Zo zo – Hindi Mo Na Sya Crush – (feat. Adda Cstr & Kyle Zagado)


Alam mo yung tingin ka ng tingin pero ni-minsan ‘di ka nya napansin

Alam ko naman lahat tayo’y naaning sa isang tao na kahit kailan walang pake sa atin

Kaya kung pwede lang stop na kasi minsan sumusobra na

Dahil bandang huli masasaktan ka

Pero yung sakit na nadama mo sa kanya walang halaga

 

Bakit sa akin mo tinatanong iyan eh wala naman akong alam dyaan

Kahit na bigyan mo ‘ko ng isang daan ay hindi pa rin ako maglalaan ng oras

Para lang malaman na bukas ay gusto ka na rin nya

Kahapon lang ay sinabi mo na hindi ka na magkaka-ganito

 

Limang oras ng nagdarasal pero sinasabi sana ay makasal

Dun sa pinapangarap nya ng matagal na parang pinagmumukha na syang hangal

Alam kong wala naman syang kasalanan kasi ‘di nya alam

Pero lahat ay merong hangganan hantayin ko na lang (ngee)

 

Chorus:

Sabi mo hindi mo na sya crush pero habol ka ng habol sa labas

Sabi mo hindi mo na sya crush pero habol ka ng habol sa labas

Para kang engot naman bahala ka dyan

Parang hindi mo alam na wala naman syang pakialam sayo

 

Ang dami mo kayang istorya kahit pag tayo’y nasa labas

Puro ka chika tungkol sa kanya

‘Di ka pa nyan nagsasawa para ka ng sirang humahabol sa kanya

Ingat ka baka tumanda ka nyan ng walang asawa

Natawa na lang ako kasi noon diba ang sabi mo

Hindi mo na sya crush sampung taon na ata ang lumipas

Lumalabas pa rin sa iyong bibig pangalan lagi nya’ng maririnig

Ako’y nakailan ng payo, bwesit na’ko sayo

 

Chorus:

Sabi mo hindi mo na sya crush pero habol ka ng habol sa labas

Sabi mo hindi mo na sya crush pero habol ka ng habol sa labas

Para kang engot naman bahala ka dyan

Parang hindi mo alam na wala naman syang pakialam sayo

 

Hindi ko na alam kung bakit ba nagtitiis ka sa ganyan

Alam ko naman sya ang iyong inaasam kahit iba ang kanyang tinitignan

Marami dyan kung sino-sino makaka-chamba ka rin parang sa casino

Hindi ka na luluha pag-uwi mo dahil darating yung para sayo, para sayo

 

Chorus:

Sabi mo hindi mo na sya crush pero habol ka ng habol sa labas

Sabi mo hindi mo na sya crush pero habol ka ng habol sa labas

Para kang engot naman bahala ka dyan

Parang hindi mo alam na wala naman syang pakialam sayo


More on Adda Cstr