Zild – Alalahanin

zild lyrics

Alalahanin ang mga pangako na aalagaan kita

‘Di ko papawiin ang iyong binilin, “anak ayaw kong mapag-isa”

Kung maglaho ang mga ala-ala hindi kita ipapahiya

Alalahanin ang iyong hangarin na hindi ako bibitaw

At mananatiling nakakapit sa’tin

Hindi ko sasayangin ito

Dadalhin ang ating mga pinangarap

Mapagmamalaki na kita

 

Chorus:

‘Pag nanghina ang iyong katawan aalayan ka sa bawat hakbang

Kung paulit-ulit mang magtanong sasabihin ang sagot pabulong

 

Alalahanin ang pinag-usapan na tibayan ang aking loob

‘Di kakalimutan ang iyong sinabi, “anak ayaw kong mauna ka”

Sa kinabukan may panghahawakan hindi ka mababalewala

 

Chorus:

‘Pag nanghina ang iyong katawan aalayan ka sa bawat hakbang

Kung paulit-ulit mang magtanong sasabihin ang sagot pabulong

At pag-sapit ng iyong pagtanda

Gagawan kita ng bahay mo na

Dati mo pa na pinagdarasal

Habang-buhay kang ipaparangal

 

(kahit saan)

(‘di kita iiwan)

(walang makakapantay)

(sa’yong mga binigay)


More on Zild