ZI.O – Marilag (feat. Chrls)


Intro:
Napakasayang mangarap
Mga matang kumukutitap
Ikaw ang aking hinahanap
Samahan mo ‘ko sa mundong
Mayro’ng ikaw at ako

Verse 1:
Dis-oras na ng gabi at ako’y napapaisip
maging laman kaya ikaw ng aking panaginip?
siguro nga’y masyado ng praning dito sa gilid
Hahahay, medyo baliw baliw na nga ang hirit

Babaeng napakasarap titigan
mga ngiti mo lang sa akin ang nakahiligan
ibang kaba nadarama dito sa aking puso
at nagagalak ‘pag tayo’y nagkakatinginan (ha!)

‘Di naman masyadong halata
kapag kasama ka’y masyadong natutulala
akoy hibang na nga at ikaw ang dahilan kung bakit
ko nalikha tong awit na kasing pusyaw ng langit

Ang sarap siguro pag ikaw na ang kasama
sa pagtanda, at aawitan ng isang harana
problema ay wala na, tinig mo pang pagana
subok garantisado walang halong pang palasa

Pagbigyan mo lang ako, kapag ikaw ay naging akin
papalarin, pakilala agad kita don sa amin
pangako’y mananatali kang pagsisilbihan
sa buong buhay ko ikaw lang ang kakikiligan (miss)

Chorus:
Miss Marilag
Pwede ka bang sumama sa’kin?
Ikaw ang binibini na
aking tanging dinadalangin yeah yeah
Dadalhin kita, Sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Verse 2:
Girl, sana naman ay pagbigyan mo na ako (uh)
para naman mapatunayan ko sa’yo
ang lahat ng mga sinasabi kong ito
sumama ka’t tara na sa mundong ikapito

Dalhin kita sa paraisong di mo pa nakita
kung saan ang puso nating dalawa’y mahina
Ikaw at ako laban sa mundo
haharapin lahat dito ka lang sa tabi ko, kaya naman

Labis na naniniwala na
Pinakilala ka sa akin ni tadhana

Pagbigyan mo lang ako, kapag ikaw ay naging akin
papalarin, pakilala agad kita don sa amin
pangako’y mananatali kang pagsisilbihan
sa buong buhay ko ikaw lang ang kakikiligan (miss)

Chorus:
Miss Marilag
Pwede ka bang sumama sa’kin?
Ikaw ang binibini na
aking tanging dinadalangin yeah yeah
Dadalhin kita, Sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Bridge:
Napakasayang mangarap
Habang kasama ka
Mga matang kumukutitap
Sapat na sa mga rason kung ba’ t ikaw ang hanap
Di ka nagiisa
Di kita pababayaan, kaya’t sumama na

Kaya sana naman
(tara’t sumama ka na)
Ooh, sana naman
(sumama ka na)
Ooh yeah, sana naman
Sana naman ay mapagbigyan mo oh

Chorus:
Miss Marilag
Pwede ka bang sumama sa’kin?
Ikaw ang binibini na
aking tanging dinadalangin yeah yeah
Dadalhin kita, Sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Outro:
Napakasayang mangarap
Mga matang kumukutitap
Ikaw ang aking hinahanap
‘Di ka na mag-iisa, tara’t sumama na


More on Chrls