Zephanie – Sabihin Mo Na Lang Kasi


Inuunti-unti mo ba ‘ko?
Akala mo ba’y madali to?
Di mo ba naisip, sobra tong pasakit
Dapat ko pa bang ipilit?

Mga yakap mo’y malamig na
Tila ba nawalan ng gana
Ano bang nangyari?
May kulang ba sa’kin?
Bakit di mo pa sabihin?

Kung ‘di mo na ako mahal tulad ng dati
Naglaho bigla tamis ng pag-ibig
Ayaw mo na kong kasama hanggang sa huli? (Sa huli)
Kung ayaw mo na sakin ay wag kang mag panggap
Na para bang normal parin ang lahat
Ang pakiusap ko’y
Sabihin mo na lang kasi

Inuunti-unti mo ba ko?
Bakit mo pinararamdam to?
Bakit ka nagbago? Kung kailan ang puso’y
Ayaw nang mawalay sayo

Di mo na ba ako mahal tulad ng dati
Naglaho bigla tamis ng pag-ibig
Ayaw mo ba kong kasama hanggang sa huli? (Sa huli)
Kung ayaw mo na sa’kin ay wag kang mag panggap
Na para bang normal parin ang lahat
Ang pakiusap ko’y
Sabihin mo na lang kasi

Kinalimutan ko ang sarili ko
‘Di pinagdamot ang buong buhay ko
Pag-ibig ko ay tunay at totoo
Ikaw lang talaga ang nagbago
Ikaw ang nagbago

Di mo na ba ako mahal tulad ng dati
Naglaho bigla tamis ng pag-ibig
Ayaw mo ba kong kasama hanggang sa huli? (Sa huli)
Kung ayaw mo na sa’kin ay wag kang mag panggap
Na para bang normal parin ng lahat
Ang pakiusap ko’y
Ang pakiusap ko’y
Sabihin mo na lang kasi


More on Zephanie