Zargon x Mike Kosa – Triburitmo (feat. Twin Wolves)


Ako ang batang nagmula sa angkan ng mga barako
Hatid ko ang purong tagalog sa pagdura ko
Sa aking dilang mas matalas pa sa bente nuebe
Naging siga sa kalye sa edad kong disi siete

Minsan nangarap at nanunuod lang
Sinasaulo ang mga kantang napapakinggan
Umaasang ako’y mapasama at mapabilang
Ngayon si Mike Kosa na ang aking kasabayan

Ako’y sumubok kahit walang sumoporta’t tumangkilik
Hindi lang dahil uso at lalong hindi to gimik
Minahal ko ang kultura na aking nasilayan
Ginagawa ang nais kahit di binabayaran

Ang bala ko’y inahon ko sa hugis ng hulmahan
Kaya kitang lunurin kahit na di nalalaliman
Ginaganahan pag may palaman na ng halaman
Naging mapagbigay bago pako naging gahaman

Naubos na ang pahina sa aking kwaderno
Pati na rin ang ballpen, lapis na kanyang katerno
Tuloy parin pagkat ang utak ko’y hindi na blangko
Maraming letrang nakaimbak at nakabangko

Nagtanim ng pakisama bago pako irespeto
Sumulat ng libro bago pako naging maestro
Tinipak ko ang bato at hinukay ang damo
Sinundan ko ang liwanag para bukas din ako

CHORUS:
Heto ang pinagmulan angkan ng mga makatang mandirigma at mahuhusay
Dumidiskarte lang sa buhay
Habang sa musika’y sumasabay
Heyy TRIBURITMO
TRIBUTIRMOOO Ohhhh

Isinilang sa angkan ng mga palaban
Tanging matibay lamang ang nananatili sa daan
Dito natutong gumuhit pagkatapos inawit
Ginamit ng wasto bumaliktad paulit ulit

Nagsaka sa labing limang ektaryang lupain
Tirik ang araw pero sama sama naming bungkalin
Ginawang libangan ang sagot sa bawat takdang aralin
Bakas ang hirap bago naming natutunang tawirin

Ang tulay na lubid
Sa baba ng tabang na tubig
Mga himulmol ng sinulid
Kung wala kang alam ika’y gumilid
Parating na’t naninibasib ang mga tunay na panganib
Oo ituring mo kong ganid sa mikropono’y sumanib

Respeto ko’y saludo sa mga intindido
Makinig ka dito para naman ika’y makumbinsido
Pag nilatag ang mga ritmo ng mga tunay na bandido
Parang tumama ang spirit shotgun sa sintido

Madaling mandila sa mga maangas at matapang
Abot kamay sa mga rumerespeto’t gumagalang
Naka masid sa mga bagitong gumagapang
Na malagpasan ang mga higanteng talagang nakaharang

Nakadagan sa bawat timbangan ng bigat
At nakabakat sangkap ng mga kirikong kagat
Isa ka sa espesyal na marinig mo ang lahat
Ang buhay na kwento sa loob ng aming alamat

CHORUS:
Heto ang pinagmulan angkan ng mga makatang mandirigma at mahuhusay
Dumidiskarte lang sa buhay
Habang sa musika’y sumasabay
Heyy TRIBURITMO
TRIBUTIRMOOO Ohhhh wooooh

(REPEAT CHORUS)


More on Mike Kosa