Yukito x Rhadz – Galakbay


Patuloy na inaasam
Pasan at nais abutin
Pangarap na handang tawirin
Ito ay darating din

Kay dami mang pagsubok ang nagdaan
Sarili ay hinding hindi ko pipigilan
Puso ay aking susundin sa matagal ko nang hiling
Ito’y maaabot din

Chorus:
Patungo sa daang walang hanggan
Matumba man at mabigo ay babangon pa rin
Magkasama nating haharapin
Hawak kamay gabay sa’ting paglalakbay pagmamahal

Wag na wag mababahala

Makakaya basta’t sama-sama

Ipagpatuloy kahit pa nahihirapan na
Lahat kakayanin, kung iisipin
Sa dinami rami ng mga pinagdaanan
May pag asa, mag tiwala

*Repeat Chorus*

Bridge:
Kahit gaaano kabigat, lahat ng to’y hindi sapat
Tuloy tuloy paring lilipad

*Repeat Chorus*


More on Rhadz