Yosso, Yayoi & Lopau – Hindi Na Ako


Ayokong magalit kasi baka magkarason ka pa para bitawan ako

Dahilan para tuluyan ka nang lumayo at iwanan ako

Alam kong naghihintay ka na lang nang mali kong galaw

Para tuluyan ka nang umayaw

 

Nasa’n na yung mga pangarap natin noon di ko na matanaw

Binubuo mo na ba sa iba, mga galaw mo na kakaiba

Kasi ramdam ko na napakalayo mo sakin sa t’wing kasama kita

 

Ayoko na rin na ika’y tanungin kasi madalas na ikaw pa yung galit

Sa mga yakap ko na mahigpit sayo ay wala ka na ring pananabik

Oo masakit manatili sa’yo kahit alam kong hindi mo na’ko gusto

Mga pinapadama mo sa akin na di na ako sa’yong bumubuo

 

Kakayanin ko lahat ng ‘to basta ikaw ay manatili dito sa tabi ko

Lolokohin ko pa rin ang sarili ko kahit na alam ko na ang totoo

Kahit malaman ko pa sa ibang taong iba na ang katabi mo

Ayos lang sa’kin basta wag ko na lang marinig ‘to na nanggagaling sa’yo

 

Lalaban kita tulad ng sabi ko sa’yo no’n ako’y kakapit pa

Hahayaan kita kung anong gusto mo, mahalaga’y sakin ka

 

Di na lang ako magtatanong

Ayokong malaman ang totoo

Na baka di na talaga ako,

Ayokong marinig pa ‘to galing sa’yo

 

Di na magagalit,di na’ko magsasalita

Kasi ako rin naman  ang ayaw kana mawala

Kahit na alam ko (3x)

Na hindi na ako….

 

Hindi na lang ako magtatanong pa

Sa bawat alis , san ka nagpupunta

Anong ginagawa mo, sino ang kasama

 

Ayokong mangulit dahil alam ko namang

Magagalit ka ulit ng walang dahilan

Kahit sa’kin masakit ngi-ngiti ko na lang

Pipilitin na lang takpan

 

Alam ko naman na hindi na ako

At ramdam ko sa bawat pagtitig ko sa’yo

Iba na, parang di ka na kilala

Ayokong marinig na di ka na masaya

 

Handa ka pa rin na ilaban

(Handa ka pa rin na ilaban)

Kahit ako na lang ang maiiwanan sa dulo

Basta na sa’kin ka kahit alam kong di na ako

 

Di na lang ako magtatanong

Ayokong malaman ang totoo

Na baka di na talaga ako

Ayokong marinig pa ‘to galing sayo

 

Di na magagalit, di na’ko magsasalita

Kasi ako rin naman ang ayaw ka na mawala

Kahit na alam ko (3x)

Na hindi na ako..

 

Di na lang papansinin ang nangyayare sa’tin

Akin na lang titiisin panlalamig mo sa’kin

Ramdam ko kahit di mo aminin

Na meron nang ibang may-ari ng damdamin mo

 

Pero di na lang magsasalita

Handa ‘kong tiisin ang lahat

Wag ka lang mawala di ko kayang

Makitang meron ka nang iba

 

Hindi mo alam kung ga’no kita kamahal

Basta nasa a’kin ka lahat handa kong isugal

 

Di na lang ako magtatanong

Ayokong malaman ang totoo

Na baka di na talaga ako

Ayokong marinig pa ‘to galing sayo

 

Di na magagalit, di na’ko magsasalita

Kasi ako rin naman ang ayaw ka na mawala

Kahit na alam ko (3x)

Na hindi na ako..

 

Di na lang ako magtatanong

Ayokong malaman ang totoo

Na baka di na talaga ako

Ayokong marinig pa ‘to galing sayo

 

Di na magagalit, di na’ko magsasalita

Kasi ako rin naman ang ayaw ka na mawala

Kahit na alam ko (3x)

Na hindi na ako..

 

 


More on Lopau