Yosso, Jamal, Yayoi – Panandalian (420 Soldierz) (Clinxy Beats)


Napakasakit na gawin lang pamalit

Dyan sa puso mo gawin lang akong panakip

Sana hindi na lang hinayaan na muling magpalit

Kung sa pagbabalik mo ay iiwanan mo lang ulit

Ano ba ang kulang di ko ba napunan

Sagot ganun ba talaga ko kabilis sukuan

Maging masaya sa piling mo muli mong naturuan

Pero isang iglap binalik mo sa kalungkutan

Kahit di mo mabalik pagmamahal kong todo

Salamat pa rin dahil sa hindi mo ko niloko

Isang tanong na lang sayo sana sagutin mo ko

Siya bang naaalala mo pag kahalikan mo ko

Tuwing kayakap mo ako sa saglit na nakasama ka

Ang mga init pa rin ba niya ang iyong nadarama

Sige bumalik ka sa kanya kahit masaklap

Pero pangako di na talaga kita matatanggap

 

Sandali lang bakit parang ang bilis at sandali lang bigla ulit umalis

Kung ako ba talaga bakit naguguluhan ka

Mahirap bang piliin ako sa aming dalawa

Panandalian pagbalik mo sakin ulet ay

Iniwanan mo ako ng bigla siyang bumalik

Naging masaya ka ba mahal mo ba talaga

Bakit pinili mo sya kung ako lang talaga yeah

 

Kumakatok ka naman

At naghihintay na pagbuksan

Teka muna para bang kahapon lang

Magkasama sa hapag kainan ng biglang

May tumawag sabi mo may biglaang lakad

Pero bakit ang utak mo hindi mapanatag

Kutob ko babalik pa siya at hihingi ng tawad

At ang masakit kusang loob ka pang pumayag

Wag kang matakot at sabihin mo ang totoo

Na tama ang hinala kong nagkabalikan na kayo

Na tama meron siyang lubos na wala ako

Anong hindi matumbasan ng sakripisyo ko

Panakip bukas masyado kang naging madugas

Ginamit mo na para bang panandaliang lunas

Walang pamunas sa luhang tuloy na umaagos

Dahil pinilit mo yung dapat di na inayos

 

Sandali lang bakit parang ang bilis

At sandali lang bigla ulit umalis kung ako ba talaga

Bakit naguguluhan ka

Mahirap bang piliin ako sa aming dalawa

Panandalian pagbalik mo sakin ulet ay

Iniwanan mo ako ng bigla siyang bumalik

Naging masaya ka ba mahal mo ba talaga

Bakit pinili mo sya kung ako lang talaga yeah

 

Biglaan ka na lamang sakin nawala

Nang iwan ng wala na akong nagawa

Kahit sabihing saglit bumitaw kang ulit eto bang kapalit

Ng muling pagtanggap ko sa pagbalik mo

At ang gawin mo lamang panakip mo

At pagbitaw mo sa pagkakapit ko ganun na lamang ba kadali

 

Sandali lang bakit parang ang bilis

At sandali lang bigla ulit umalis kung ako ba talaga

Bakit naguguluhan ka

Mahirap bang piliin ako sa aming dalawa

Panandalian pagbalik mo sakin ulet ay

Iniwanan mo ako ng bigla siyang bumalik

Naging masaya ka ba mahal mo ba talaga

Bakit pinili mo sya kung ako lang talaga yeah

 

 

…………………… 🙂 …………………….


More on 420 Soldierz