Yhanzy, Joshua Mari & Zync – Isip O Puso


Hindi ko mawari na ako’y naguguluhan

Kung ano ang mas matimbang

Isip bang prediksyon pa

Lagi ang nauuna tila di nagtutugma

 

O ang pusong handang

Yakapin ka’t hindi pakawalan

Eh kaso papaano, malabo at blangko

Walang kasiguraduhan mga plano

 

May naghihintay ba sa’kin na pag asa

Mahagkan kaya kita kung sakaling ako’y umasa na

Maging tayo kahit ni hindi alam

Kung ano bang kahantungan

 

Di ko alam kung anong pipiliin

Isip o pusong gusto kang ibigin

Darating ba na ika’y mapasa’kin

Susugal ba sa sigaw ng damdamin

 

Nakahanda ba kung sakaling di palarin

Sitwasyon ay di ganon kadali

Bigyan ng sagot dahil nagbabakasali

Sa’n hahantong o anong gagawin

 

Nagdadalawang isip kung anong aking susundin

Para bang may pumipilit kung ano ang dapat kung gawin

Minsa’y iniisip kong meron ba itong patutunguhan

Kung sakaling ang puso ko’y di ko na ‘to pipigilan

 

Nangangamba baka iyong mapansin na

Mahal kana ng puso ko

Pero isipin ay nababalot na ng takot

Sadyang naguguluhan kasi

 

Sitwasyon ko’y ang hirap

Ni kahit chansa hindi ko mahagilap

Ni hindi ko nga alam kung saan magsisimula

At ang kahihinatnan kung sasabihin ko na mahal kita

 

Di ko alam kung anong pipiliin

Isip o pusong gusto kang ibigin

Darating ba na ika’y mapasa’kin

Susugal ba sa sigaw ng damdamin oh

 

Nakahanda ba kung sakaling di palarin

Sitwasyon ay di ganon kadali

Bigyan ng sagot dahil nagbabakasali

Sa’n hahantong o anong gagawin

 

Para san ba ang paglaban

Kung puso sa bandang huli naman ay iiwan

Alam mo bang natatakot ako

Na pag umamin ay baka lumayo ka lang

 

Hindi ko rin malaman kung

May pag asa ako na umaasa lang sayo

Ipapaubaya na lang ba sa tadhana

Darating ba yung punto na maging akin ka

 

Sayo’y wala raw pag asa sabi nila ay di ko pinakikinggan

Aalagaan iingatan kung iyong pagbibigyan

Pero kung di naman ay walang magagawa

Puso at isipan ko sayo ay nagtatalo na

 

Di ko alam kung anong pipiliin

Isip o pusong gusto kang ibigin

Darating ba na ika’y mapasa’kin

Susugal ba sa sigaw ng damdamin oh

 

Nakahanda ba kung sakaling di palarin

Sitwasyon ay di ganon kadali

Bigyan ng sagot dahil nagbabakasali

Sa’n hahantong o anong gagawin

Oh yeah

 

Isipan ba ang unang pipiliin

O ang puso na nakahanda kanang ibigin

Medyo naguguluhan saking nararamdaman

Tadhana ba’y kailan ako mapagbibigyan

 

Wag sanang masaktan muli ang puso ko

Dahil sa muling utos ng isip ko

Takot na’kong magkamali

Mga pilat ng kahapon ay nag iwan ng hapdi

 

Napapagod na ring mag isa

Kasi nga nakilala kita

Anong gagawin ko

Puso at isip ko ay naguguluhan

 

Di ko alam kung anong pipiliin

Isip o pusong gusto kang ibigin

Darating ba na ika’y mapasa’kin

Susugal ba sa sigaw ng damdamin oh

 

Nakahanda ba kung sakaling di palarin

Sitwasyon ay di ganon kadali

Bigyan ng sagot dahil nagbabakasali

Sa’n hahantong o anong gagawin


More on Joshua Mari