Yayoi, Yosso, Lopau – Baka Di Tayo (420 Soldierz ) (LC Beats)


Teka muna, pwedeng pakinggan mo muna

Wag mo muna ko na sabayan

Kasi lalo lang lalabo ang palinawagan

Pa’no pa sisimulan kung matatapos na

Masisisi mo ba kung napapagod na

Kahit na mahal kita hindi sapat na dahilan na manatili pa sa tabi mo

 

Kaya ko namang ilaban ka pa

Alam mo na iningatan kita

Kaso lang may hinahanap ka pa

Nagkulang pa rin kahit lahat ay ginawa ko na

Sarili muna ang uunahin ko

Patawad kung kailangan ko na lumayo sa piling mo

 

Baka di lang talaga tayong dalawa at mas mabuting palayain na kita

Ayoko ng maging lunas o maging pamunas ng mga luha sa mga mata

Pasensya ka na kung napagod na sayo ( napagod na sayo)

Mahal kita pero uunahin ko na lang ngayon ang sarili ko

 

Alam kong di ka na masaya sakin, ano pang magagawa ko

Tanggapin ko na lamang ang lahat

Kung yan ang kakatuwa mo

Buburahin ko na lamang ang  dati nating mga plano

Na binubuo mo ngayon kasama ang ibang tao

 

Masakit sakin pero kailangan tiisin ang lahat

Sige panalo ka na wag mo na

Kong batuhin pa ng mga sumbat

Pagod na akong iangat pa yung sarili ko sayo

Di mo na ko dapat baguhin

Kung ako talaga ang gusto mo

 

Basta ako ginawa ko ang lahat di mo man nadama

Kahit kapalit nito’y pagpatak ng luha ko sa mata

Bawat tingin ko sayo ay nakatitig ka sa kanya

Ngayon alam ko ng malabo na nga ‘tong maisalba

 

Baka di lang talaga tayong dalawa

At mas mabuting palayain na kita

Ayoko ng maging lunas o maging pamunas ng mga luha sa mga mata

Pasensya ka na kung napagod na sayo (napagod na sayo)

Mahal kita pero uunahin ko na lang ngayon ang sarili ko

 

Pinipilit ko naman na maging maayos ang lahat

Ngunit, parang hindi pa rin sapat ang…. aking mga nagawa

Kaya tama na, hindi ko na kaya pa (hindi ko na kaya pa)

Hindi ko na kaya pa (hindi ko na kaya pa)

 

Hirap ng tiisin alam kong wala ng pagtingin

At nawala na ang paglalambing

Kaya relasyon hirap ng sagipin

Hindi na makakaya malabo na dahil hindi na masaya

Di na matawag na akin ka

Kaya palaging mag iingat ka ahhhh

 

Baka di lang talaga tayong dalawa

At mas mabuting palayain na kita

Ayoko ng maging lunas o maging pamunas ng mga luha sa mga mata

Pasensya ka na kung napagod na sayo (napagod na sayo)

Mahal kita pero uunahin ko na lang ngayon ang sarili ko…

 

Baka di lang talaga tayong dalawa

At mas mabuting palayain na kita

Ayoko ng maging lunas o maging pamunas ng mga luha sa mga mata

Pasensya ka na kung napagod na sayo (napagod na sayo)

Mahal kita pero uunahin ko na lang ngayon ang sarili ko…..


More on 420 Soldierz