Yayoi x Jaber – Di Na Ikaw


Wala nang gana, nakabitaw na mga kamay ko na dating sa’yo

Wala naman akong iba pinapalaya ko lang ang sarili ko

Kase wala ‘kong iba pero hindi na ikaw

‘Di na ikaw ‘di na ikaw

Alam mo wala ‘kong iba pero hindi na ikaw

‘Di na ikaw,  ‘di na ikaw

 

Wala naman akong iba

Hindi lang talaga siguro masaya na dyan sa’yong tabi

Kailangan nang makahinga hindi ka na rin hinahanap

T’wing sasapit ang mga gabi

Mabuti pang sigurong tama na

Kung ang pagmamahal ko’y nawala na

Nasana’y lang siguro mag isa

Natuto na akong kayanin ang wala ka

 

Napagod na ang puso sa paulit ulit nating pagtatalo

Magpapanggap na lang kung mananatili pa ‘ko dyan sa tabi mo

 

Wala naman akong iba

Baka yung tayo ay hindi lang para sa isa’t isa

 

Wala nang gana, nakabitaw na mga kamay ko na dating sa’yo

Wala naman akong iba pinapalaya ko lang ang sarili ko

Kase wala ‘kong iba pero hindi na ikaw

‘Di na ikaw ‘di na ikaw

Alam mo wala ‘kong iba pero hindi na ikaw

‘Di na ikaw,  ‘di na ikaw

 

Paulit ulit tayo, hindi na nagbabago

Napapagod na’ko unti unti nawawala na ang damdamin sa’yo

Di na matama ang mali

Kakapit pa ba o hindi limot na bawat sandali

Sawa na ‘ko sa oras mo na laging manghingi

 

Mabuti pa siguro kung tigilan na lang, ganun din naman

Pareho lang naman tayong di na masaya

Ayoko na magdahilan wala naman akong iba

Baka tayo’ hindi lang talaga

 

Wala nang gana, nakabitaw na mga kamay ko na dating sa’yo

Wala naman akong iba pinapalaya ko lang ang sarili ko

Kase wala ‘kong iba pero hindi na ikaw

‘Di na ikaw ‘di na ikaw

Alam mo wala ‘kong iba pero hindi na ikaw

‘Di na ikaw,  ‘di na ikaw

 

Kase wala ‘kong iba pero hindi na ikaw

‘Di na ikaw ‘di na ikaw

Kase wala ‘kong iba pero hindi na ikaw

‘Di na ikaw ‘di na ikaw….

 

 

 

 

 


More on Jaber