Yayoi – Tulog Na

yayoi lyrics
Malalim na ang gabi
Pwede ba na h’wag muna tayong magmadali
Dito ka lang sa tabi
Gusto ko lang matitigan ang iyong ngiti

Wag kang mag-alala oh mahal sakin ay pwede kang sumandal
Asahan mo sa pag mulat ay nandito parin (nandito parin)
Kung sakaling hindi dinggin ng langit ang hiling ko
Ay susulitin ang bawat minuto

Tulog na ipikit ang mata hahayaan na muna ang mundo
Tulog na at ipag pahinga sa pagmulat nandito parin ako sa tabi

(Tulog na, tulog na)
Sa tabi mo
(Tulog na, tulog na)

Ang hirap nang magkunwari
Ang hirap nang idaan lahat sa ngiti
Ayoko pang maniwala
Madayang tadhana babawiin ka sakin wag muna

Di ako bibitaw sa kamay
Ang lahat ay handang ibigay
San man tayong dalhin damdamin
Mananatiling sayo parin
Kung sakaling hindi dingin ng langit ang panalangin ko
Ay dadayain ang bawat segundo

Tulog na at ipag pahinga pwede ba na ihinto muna ang mundo
Di ko pa yata kayang mag-isa pano na kung mawala kana sa tabi ko

Pano na ang gabing hinahanap ko
Ang tingin, ang ngiti, ang pagtitig mo

Wala kana sa tabi
At ang sarili pipilitin makabangon muli
Ating mga sandali bitbit ko lagi hangang
Magkita tayong muli

Tulog na sa pag pikit ng mata
Sana ay muling masilayan ka
Kahit na sakin inilayo ka
Hawak-hawak ko parin
Ating ala-ala

(Tulog na, tulog na)
Sa pag dilat ko sana
(Tulog na, tulog na)
Ay nandiyan ka

 


More on Yayoi