Yayoi – Kundiman (feat. Tracey & Joy Basa)


Pasimple lang ko na tinatanong ka

Padaan daan lang kahit nasa harap na

Ang hirap sumabay kase ang dami nila nag aantay sayo oh

(Di mo lang nahahalata)

 

Ano bang laban ko gitara lang ang dala

Hindi maporma at ang pera lang ay lima

Wala akong rosas tsokolate at kung

Ano pang mabibigay sayo ohh ohh

 

Di makasingit sa daming hadlang

Di makalapit at aawit nalang

Sa pag tipa ng gitara

Mapansin mo sanang nandito ako pero ohh

 

Aking damdamin pipi-gilin nalang

Kung sasabay ay alanganing mapa sakin ka lang

Sana dami nilang nandyan idadaan ko na lang sa harana

Sakaling marinig mo lang sana

Ang di masabi inaawit na lang

At palihim na umaasang mapansin mo na lang

Walang lakas ng loob panay tutog ko na lang sa gitara

Sakaling marinig mo ang harana

 

Gabi gabi naka dungaw sa bintana gumagawa ng awit

Tino-nohan sa gitara

Ang larawan  mo ang tangi kong ligaya

Umaasa sa iyo’y sana meron akong pag-asa

 

Pero mukhang malabo na ata ang gusto kong  mangyari

Daming nakapila sayo para sa puso mo’y maghari

Baka pag sumubok pako ay lalo lang mayare

Sa kanila di ako nababagay na mapasali

 

Pwede bang sa panaginip na lang basta makapiling ka lang

Wala maipag mamayabang kasi ako’y ito lang

Pagpasensyahan mo na ako kung nahihiyang sabihin

Nararamdaman sayo’y naiilang  sa awit na binuo

Ikaw ang inspirasyon kaso lang ang tayo isa lang imahinasyon

Ang aking harana nagsilbing imbitasyon

Sana ikaw makita ko sa aking destinasyon

 

Aking damdamin pipi-gilin nalang

Kung sasabay ay alanganing mapa sakin ka lang

Sana dami nilang nandyan idadaan ko na lang sa harana

Sakaling marinig mo lang sana

Ang di masabi inaawit na lang

At palihim na umaasang mapansin mo na lang

Walang lakas ng loob panay tutog ko na lang sa gitara

Sakaling marinig mo ang harana

 

Pasilip silip lang at tinatanaw ka ah

Naghihintay kelan ulit na dadaan ka ah

Sa pag awit ng sinulat mo na kanta naghihintay ako ohh

Nag aabang lang kung sakaling lalapit ka pa ahh

Kung manliligaw bakit tinatago mo pa

Kahit pa sino o kahit madami sila

Ikaw lang ang gusto

 

Bat’ di lumalapit bat’ di mo ramdam

Na iniisip ng di mo alam

Sa pagtugtog ng gitara makita mo sanang nandito ako pero

 

Sayo ‘y palagi bang nag aabang lang

Hindi mo ko madadaan sa pakiramdaman lang

Madami man sila dyan ay hanap hanap parin ang harana

At sakin sabihin na sana

 

Ang di masabi inaawit na lang

At palihim na umaasang mapansin mo na lang

Walang lakas ng loob pana’y tugtog ko na lang sa gitara

Sakaling marinig mo ang harana

 

 

 

 


More on Joy Basa