Yayoi x Jaber – Huling Sandali (feat. Still One)


Nangingilid na mga luha

Kamay na bumitaw ng kusa

Heto na rin siguro ang huling pagkakataon

Na kasama kita

 

Kung balang araw ay makakahanap ka ng iba

Di ko na pipilitin na bawiin ka pa

Papalayain natin ang damdamin natin na pagod na

Alam ko masakit lamang ‘to sa umpisa

 

Balewala pala lahat nang taon na biniling nating dalawa

Sa huling sandali gusto ko na lang na yakapin ka

Bago man lang lumayo ng tuluyan

Sana naman ay walang pagsisihan

 

Dito na lang meron pang hangganan

Kung di ka na hinabol at pinili na lang na hayaan

 

Hanggang dito na lang at paalam na lang

Sa ipon nating mga ala ala

Minahal mo ako, minahal din kita

Pilitin man natin ay baka di talaga

 

Eto na ang huling makakapiling kita

Ang huling sandaling magiging akin ka

Yakapin kang mahigpit bago tuluyang lumayo sa’yo

At palayain na

 

Bago matapos ang natitirang sandali

Ako ay hihiling na sana’y pagbigyan mong muli

Na mayakap ka

Dahil alam kong ito’y di na mauulit pa

 

Babaunin alaala nating dalawa

Walang sama ng loob na bibitawan ka

Mahirap ma’y wala na tayong magagawa

Salamat sa pagmamahal na ‘yong pinadama

 

Patawad kung hanggang dito na lang

(Hanggang dito na lang)

Di na kita mahal kung yan ang gusto mong marinig

Ay sasabihin na lang

 

Hanggang dito na lang at paalam na lang

Sa ipon nating mga ala ala

Minahal mo ako, minahal din kita

Pilitin man natin ay baka di talaga

 

Eto na ang huling makakapiling kita

Ang huling sandaling magiging akin ka

Yakapin kang mahigpit bago tuluyang lumayo sa’yo

At palayain na

 

Ganon nga talaga pag nagmahal ka

Hindi mo  matitiyak kung tatagal ba

Sa labis na pag iiyak nangangatal na

Kase alam kong hindi ko na masasalba

 

Habulin man kita para saan pa

Eh ang puso ko puno na nang pangamba

Mga nangyare ay di na maganda

Dahil napapamahal ka na sa kanya

 

Bago man lang tayo mag iba ng landas

At sa mga limitasyon ay makalampas

Pwede bang payakap muna ng mahigpit

Bago ang mga pakpak mo ay tuluyang ialpas

 

Pinapangako na di na kita guguluhin

Kahit namimiss kita di na kita kukulitin

Kahit na masakit kailangan ko na ‘tong gawin

Kung ano man ang meron tayo pinuputol ko na rin

 

Hanggang dito na lang at paalam na lang

Sa ipon nating mga ala ala

Minahal mo ako, minahal din kita

Pilitin man natin ay baka di talaga

 

Eto na ang huling makakapiling kita

Ang huling sandaling magiging akin ka

Yakapin kang mahigpit bago tuluyang lumayo sa’yo

At palayain na

*REPEAT

 

 


More on Jaber