Wilmer – Siya Pa Rin


Ewan ko ba kung bakit ba

Pag magkikita tayo ay wala kang gana

Pansin ko na hindi ka masaya

Pag magsasama tayong dalawa

 

Ano bang pagkukulang ko

Siguro nga’y hindi pa rin ako

Ang nasa puso mo

Kaya parang baliwala lang

 

Pakiusap lang sana na kalimutan mo na sya 

Nandirito lang ako laging naggagabay sayo 

 

Pero bakit hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip mo

Ang mga matatamis na alaala nyong dalawa

 

Hindi ko maintindihan kung bakit gan’to

Sya pa rin ang nasa isip mo kahit na alam mong merong tayo

Kailan mo ba magagawang burain kalimutan sya

Ano ba ang meron sya na wala ako

Kung bakit  hanggang ngayon ay  siya parin ang mahal mo

 

Wag kang mag alala, hindi ka pababayaan

Pwede ba na imulat mo na ang mga mata  at ako’y yayakapin ka

Wag mo na lang alalahanin

Isipin mo yung mga nangyayari satin

Ngayon ako’y nandito lang nakaabang na mahalin mo kaya

 

Pakiusap lang sana kalimutan mo na sya 

Nandirito lang ako laging naga gagabay sayo

 

Pero bakit hanggang ngayon ay sumasagi pa rin sa isip mo

Ang mga matatamis na alaala nyong dalawa

 

Hindi ko maintindihan kung bakit gan’to

Siya pa rin ang nasa isip mo kahit na alam mong merong tayo

Kailan mo bang magagawang burahin kalimutan sya

Ano ba ang meron sya na wala ako

Kung bakit ba hanggang ngayon ay siya parin ang mahal mo

 

Hindi mo ba maintidihan kung bakit gan’to

Siya pa rin ang nasa isip mo kahit na alam mong merong tayo

Kailan mo bang magagawang burahin kalimutan sya

Ano ba ang meron sya na wala ako

Kung bakit ba hanggang ngayon ay siya parin ang mahal mo


More on Wilmer