Vindope x JDK x Yayoi – Kung Sa Kanya


Hindi ko na alam kung pa’no sisimulan

O tuluyan ko nang tuldukan ang pag-ibig ko sa’yo

Pinipilit kong itama ang mali

Kahit palagi kang wala sa’king tabi

Hahayaan ko na lang mawala

Magbubulag bulagan ako

 

Para sa’yo kahit mahirap na lagi kitang hinahanap

Oh, ano bang dahilan?

Kahit ipilit pagpilitin ay walang paraan

Kaya ngayon nag-iisip na

Kung sa kanya ay ibibigay ka

 

Kung sa kanya ay mas sasaya

Masaya na rin ako para sa inyo

Hindi ko na pipigilan pa

Hahayaan ka na lang lumayo oh wooohh..

 

Minsan napapatulala sa kawalan hanggang sa mapaluha

Hindi mapigilan ang pag- iisip sa mga hinanakit na

Sa akin ay lubos na tumatama

 

Pinipilit ko parin na ikaw ay mahalin

Kahit na ang kapalit ay maging baliw sa ibang paningin

Alam ko naman na sa iba’y humawak na

Kaya hahayaan na lang kita kung saan ka sasaya

 

Kung sa kanya ay mas sasaya

Masaya na rin ako para sa inyo

Hindi ko na pipigilan pa

Hahayaan ka na lang lumayo oh wooohh..

 

Gusto mang ipilit pa

Gusto mang ilaban ka

Gusto kang hilahin papalapit sakin bawiin ka sa kanya

Alam ko naman na hindi na ako

Kaya kahit masakit to sakin ay hahayaan na

 

Sumaya ka sa iba

Palayain na kita kung hindi na rin naman

Ako ang bawat dahilan

Baka hindi lang talaga

Titigan ka na lang papunta sa kanya

 

Kung sa kanya ay mas sasaya

Masaya na rin ako para sa inyo

Hindi ko na pipigilan pa

Hahayaan ka na lang lumayo oh wooohh..

 

Kung sa kanya ay mas sasaya (kung sa kanya mas sasaya)

Masaya na rin ako para sa inyo (masaya na rin ako)

Hindi ko na pipigilan pa (hindi ko na haah.. pipigilan pa)

Hahayaan ka na lang lumayo oh wooh oh woooh…

 

 

……………. 🙂 …………….

 

 

 


More on JDK