Vince Panisa & Slimm Ckroud – Hindi Pa Ako Handa


Nadama ko ang tunay na pag ibig nung magkrus ang ating tinginan

Di ka nakakaumay na titigan, nabighani ako di ko napigilan

Ang aking sarili na tanungin ang pangalan mo kaya ikaw ay nilapitan

Dali dali kong sinunggaban ang pagkakataon na ika’y maging kaibigan

 

Tinanong ko kagad ang iyong pangalan  sa puntong iyon di na nag aalinlangan

Sa kung anuman ang reaksyon mo kesa naman na pagsisihan kong di sinubukan

At nawala ang kaba sa dibdib ng aking marinig ang malambing mong tinig

Tila nakadama ko ng kilig habang sa mata ko ikaw ay tumititig

 

At mag mula nun tayo’y naging magkalapit, ako’y naging sumbungan mo at kadikit

Sa lahat ng iyong suliranin naging tagapayo mo ako at tagapakinig

Napaibig ako sa buhay  ko parte kana di kayang alisin pa

Ikaw ang pinakamagandang tanawin na di ko pagsasawaan na ipinta

 

Sa lugar na kung saan tayo madalas hanggang sa abutan natin ang paglubog ng araw

Sa tuwing kasama kita ang sayang nadama umaapaw

Ayaw na kita na mawala gusto ko palagi na kita makasama

Ang pinanghihingayangan ko lang kung ba’t di ka nakilala pa ng mas maaga pa sana

 

Maari bang huwag na muna ngayon

Hindi pa ako handang iwan syang mag isa

Humihinge ng isang pagkakataon

Na mayakap sya, mayakap ng mahigpit

 

Hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob sayong di na ilihim

Gusto ko na ‘to sabihin wala ng rason para hindi ko sayo aminin

Ang pagtingin ko, at sa awa ng Dyos ganun din pala sakin ang pagtingin mo

Walang alinlangan mong ibinigay ang karapatan na ika’y mahalin ko

 

Di ka nag atubili  sa akin na sumama tiwala mo sakin ay iyong sinagad

Isang tahanan masaya at buo na pamilya lang naman ang iyong hinahangad

Ako ang tutupad  ng ‘yong mga pangarap para sayong ikaliligaya

Wag kang mag alala di ko sasayangin ang iyong tiwala

 

Pero may di inaasahan na pangyayare ang sakin na syang gumimbal

Hinahabol ko aking paghinga at ako ay sinugod sa Ospital

Tila nagising na lamang sa apat na sulok habang ako’y nakahiga

Habang hinahawakan mo ang aking kamay ramdam ko na ikaw ay nababalisa

 

Bakit di ka makapagsalita, humihikbi at pautal utal

Pakiusap ano ba ang nangyare pwede mo bang sabihin sakin mahal?

Kahit nag aalinlangan ka saking aminin pinilit kita hanggang iyong sabihing

Malubha na pala sakit kong dala may tatlong buwan na lamang ako na taning

 

Maari bang huwag na muna ngayon

Hindi pa ako handang iwan syang mag isa

Humihinge ng isang pagkakataon

Na mayakap sya, mayakap ng mahigpit

 

Eto na yata ang pinakamasakit na parte

Sa ating pagmamahalan hindi ko maitanggi

Na di pa ako handa na harapin ang kamatayan

Pa’no ko matatahimik ramdam kong nahihirapan ka

 

Hanggang  paningin ko’y tuluyang nagdilim

Habang ang kaluluwa ko sayo ay nakatingin

Pilit ginigising kahit  na ako ay bangkay na

Nagbabakasakali kang  ako ay mabubuhay pa

 

Ansaket wala kogn magawa  kundi tignan kang humahagulgol sa iyak

Andito ako sa harapan mo niyayakap ka kahit di ko matanggap

Ang mga nangyayare at di ko alam kung tayong dalawa pa ba ay magkikita

Di kita masisi kung sa pagkawala ko ikaw man ay naging mahina

 

Pero kayanin mo sana di ko ginusto  na gan’to  ang kahahantungan

Sating pag iibigan kayanan mo kahit na wala na ako mahal

Di  inakalang  mauuwi  ang lahat  sa gan’to loob mo’y tatagan

Hindi maibsan ang sakit na pasan ama namin ako’y  kahabagan

 

Panginoon maaari ba na wag mo na ngayon kasi sobrang sakit

Kung hindi man pupwede sana makahanap sya ng tao  na sa akin papalit

Para kahit papano ay mapalagay ako bago  tuluyan na makaalis

Ayokong makita  syang nagtitiis at sa akin lubos na naghihinagpis

 

Humihinge ng pagkakataon na kung pwede lang sana ako ay buhayin

At kung di man pwede sana tatagan mo ang aking mahal na eto ay kayanin

Tatanggapin ko pa din ng buo kung eto ang guhit ng aking kapalaran

Gustohin man manatili sa iyong tabi pero imposible na mahal paalam

 

Maari bang huwag na muna ngayon

Hindi pa ako handang iwan syang mag isa

Humihinge ng isang pagkakataon

Na mayakap sya, mayakap ng mahigpit

 

Maari bang huwag na muna ngayon

Hindi pa ako handang iwan syang mag isa

Humihinge ng isang pagkakataon

Na mayakap sya, mayakap ng mahigpit

 


More on Slimm Ckroud