Verified – Kahit Pilitin


Wala ni isang kibo
Akong naririnig mula sa’yo
Magmula ng ikaw ay lumayo
Pag-ibig mo’y unti-unting naglaho

May mali bang nagawa
Bakit panay ang iyong pagluha
Hindi ka manlang nagsasalita
Papano ko mapipigilan pa

Ang iyong pag-alis
Magkikita pa kayang muli
Kailan masisilayan ang pagngiti
Ng langit at ng mga bituin

Kahit pilitin man ang sarili
Tila hindi maikukubli
Pangungulila ng damdamin ko
Sa tamis ng mga yakap mo’t halik
Oh hanggang ngayo’y iniibig ka pa rin

Bakit puro pasubali
Hindi ba’t pwede namang magsabi
Huwag na nating pahirapan ang sarili
Lumaya mula sa paghati

Nang iyong pag-alis
Magkikita pa kayang muli
Kailan masisilayan ang pagngiti
Ng langit at ng mga bituin

Kahit pilitin man ang sarili
Tila hindi maikukubli
Pangungulila ng damdamin ko
Sa tamis ng mga yakap mo’t halik
Oh hanggang ngayo’y iniibig ka pa rin
Pilit


More on Verified