Tyrone of Hiprap Fam – Araw Gabi


Kahit araw araw mo akong awayin

At minu minuto ka na magsungit sa akin

Ngiti mo lang ang palaging hahanapin

Pupuntahan ko kahit na panahon ay alanganin

 

Kasi para sakin ikaw na yung tipo

Ng tao na sa araw araw aking paborito

At kapag hindi ko makita ang ngiti mo

Ano bang pagkain ang gusto mo at bibilhin ko

 

Gusto ko kasama kita sa bawat oras

Kahit dama ko ay tila wala ng bukas

Uy alam mo na ba na dinaig mo pa dugo ko

Na pabalik balik sa aking isip at sa puso oh!

 

Wag mong iisipin na ako’y may iba

Aba! ewan ko na lang kapag niloko pa kita

Kaya wag mag alala kase nga kuntento to

Sayo lang laan ang buhay ko na kinumpleto mo oh!

 

Gusto ko sabihin na salamat

Dahil hindi ka umalis sa aking tabi

Iisa aking pag-ibig walang makakaawat

Para lang sayo natatangi ka kasi at

 

Sa bawat gabi ikaw lang ang panalangin

Sana ikaw na ang nakatandhana sakin

Araw araw araw ay minamahal kita

Kung kaya gabi gabi ay pinagdadasal kita

 

Ang ganda ganda ganda ganda ganda mo talaga

Lalo na kapag tinititigan ka sa mata

Kahit pa na bagong gising ka mula sa kama

Sayo ko nakita ang ganda ng umaga

 

Pag ika’y kasama sulit ang minuto

Mabuhay ng wala ka wag na lang siguro

Ayoko maranasan mo ang mapait

Ng pag-ibig kaya  akao’y nagpapakabait

 

Kasi ikaw yung tipo na all in na

Special na diwata kaya solid na

Lagi kitang pipiliin at promise ko yun

Ayoko sa mundo kung saan wala ka don oh!

 

Wag mong iisipin na ako’y may iba

Aba! ewan ko na lang kapag niloko pa kita

Kaya wag mag alala kase nga kuntento to

Sayo lang laan ang buhay ko na kinumpleto mo oh!

 

Gusto ko sabihin na salamat

Dahil hindi ka umalis sa aking tabi

Iisa aking pag-ibig walang makakaawat

Para lang sayo natatangi ka kasi at_

 

Sa bawat gabi ikaw lang ang panalangin

Sana ikaw na ang nakatandhana sakin

Araw araw araw ay minamahal kita

Kung kaya gabi gabi ay pinagdadasal kita oh!

 

Gusto ko sabihin na salamat

Dahil hindi ka umalis sa aking tabi

Iisa aking pag-ibig walang makakaawat

Para lang sayo natatangi ka kasi at _

 

Gusto ko sabihin na salamat

Dahil hindi ka umalis sa aking tabi

Iisa aking pag-ibig walang makakaawat

Para lang sayo natatangi ka kasi at _

 

Sa bawat gabi ikaw lang ang panalangin

Sana ikaw na ang nakatandhana sakin

Araw araw araw ay minamahal kita

Kung kaya gabi gabi ay pinagdadasal kita oh

 

 

 

 

 

 

 


More on Tyrone