Tyrone ng Hirap Fam – PICS


Pinagmamasdan ang iyong mga larawan

Kasi dito lang naman mahahawakan ang iyong kagandahan kainaman

Para bang patak ng ulan ang hirap maiwasan na matamaan sayo oh!

Kahit alam kong ito lamang ako oh!

 

Sino ba ako para itrato mo?

Na espesyal tulad ng tingin  ko sa mga litrato mo

Sa tuwing naiisip ka

Para bang nasa bingit ng pag aalangang kausapin ka at subukang

Sabihin ang nilalaman ng puso

 

Tamang abang na lang para kang mamahaling na gamit

Dahil hanggang tingin na lang ang magagawa ko

Sa mga imahe mong kumikinang kinang pa nga

Saking mata gusto kita wala na ngang iba

 

Dahil kakaiba ang tulad mo saking paningin

Ay para bang ngiti ng bitwin sa mga gabi

Mundo’y nahihimbing dito sa isip ko

Litrato mo’y nangnininngning

 

Nakakapiling kita kahit sa isip lang

Kahit papaano di ba ay napagbibigyan

Aking pangarap na ika’y mapasaakin

Kahit na sa litrato lang kita kayang kausapin

 

Tamang sulyap sa iyong imahe

At di ko tinitipid ang aking titig

Dahil dito ang tingin unlimited

One to sawa pero di nagsasawa

 

Patuloy na aasa hangga’t ‘la kapang asawa

Maliit man ang tyansa  kahit walang pag asa

Pangako na hindi ako titigil kaka-sana

Hanggang makasama kana sa mga pangarap ko na

Napasakamay ko kada umaga

 

Umasa na balang araw ay mapasakin

Baka sakali na papalarin sa mga palad mong dalangin

Di man maamin ikaw ang tanging

Dahilan kung ba’t ako nagsisipag sa aking buhay

 

Lagi kitang tinitignan at sinusulyapan ng husay

Ang magagwa ko sa mga imahe mong kumikinang-kinang pa nga

Saking mata gusto kita wala na ngang iba

Dahil kakaiba ang tulad mo saking paningin

Ay para bang ngiti ng bitwin

 

Sa mga gabi mundo’y nahihimbing

Dito sa isip ko litrato mo’y nagniningning

Nakakapiling kita kahit sa isip lang

Kahit papano diba ay napagbibigyan

 

Aking pangarap na ika’y mapasakin

Kahit na sa litrato lang kita  kayang kausapin

Ang tulad mo saking paningin

Ay paraang bang ngiti ng bitwin

 

Saa mga gabi mundo’y nahihimbing

Dito sa isip ko litrato mo’y nangniningning

Nakakapiling kita kahit sa isip lang

Kahit papaano diba ay napagbibigyan

 

Aking pangarap na ika’y mapasakin

Kahit na sa litrato lang kita kayang kausapin


More on Tyrone