Tyrone ng Hiprap – Pasimple


Araw araw kang laman ng aking panalangin

Ipagdarasal na sana ika’y mapasakin

Di ko man maamin aking pagtingin

Sana ‘di mahuli mga nakaw kong tingin

 

Kasi alam ko na walang karapatan

Ang tulad ko na magtapat ng nararamdaman

Hanggang tingin na lamang grabe ang kapalaran

Tila ba ginto kana pangarap mahawakan

 

At pagtitigan na kita  ang nasa isipan pagsinta

Bakit ba naibigan pa kita

Kahit kaibigan lang diba?

 

Ay di pa rin ata ‘to maaari

Maging akin ang ganda mong pag mamay ari

Malabo man mangyare na mapasakin ka

Ang malinaw kay saya ng pangarapin ka

 

Heto ako pasimple ka lang tinitingnan

‘Di na magtatapat kasi di mo pagbibigyan

Di ka naniniwala kung akin aminin man

Kasi ating lebel hanggang kaibigan lang

 

Kaya pasimple na nagnanakaw ng tingin

At pasimple lamang kitang nilalambing

Ika’y laman ng mga simple kong dasal

Heto ako pasimple ka lang na minamahal

 

Alam mo bang abot langit ang nadadama kong saya

Gustong gusto ko yung tinititigan ka sa mata

Napakatahimik pag tinititigan kita

Habang pagtingin mo ay nakalaan sa iba

 

‘Di ako gwapo ‘di rin ako macho

Ngunit ko’y medyo tao tapos mukhang aso

Ako’y romantiko ngunit tila ba ay preso

Pag magtatapat laging kasunod ay kaso

 

 

Alam mo bang matagal ka na dito sa puso ko

Kaso lang alam namang di mo gusto

Ang tulad ko pero ok lang sabihin ‘to

Kaso lang may ibang laman ang puso mo

 

Ay di pa rin ata ‘to maaari

Maging akin ang ganda mong pag mamay ari

Malabo man mangyare na mapasakin ka

Ang malinaw kay saya ng pangarapin ka

 

Heto ako pasimple ka lang tinitingnan

‘Di na magtatapat kasi di mo pagbibigyan

Di ka naniniwala kung akin aminin man

Kasi ating lebel hanggang kaibigan lang

 

Kaya pasimple na nagnanakaw ng tingin

At pasimple lamang kitang nilalambing

Ika’y laman ng mga simple kong dasal

Heto ako pasimple ka lang na minamahal

 

Heto ako pasimple ka lang tinitingnan

‘Di na magtatapat kasi di mo pagbibigyan

Di ka naniniwala kung akin aminin man

Kasi ating lebel hanggang kaibigan lang

 

Kaya pasimple na nagnanakaw ng tingin

At pasimple lamang kitang nilalambing

Ika’y laman ng mga simple kong dasal

Heto ako pasimple ka lang na minamahal

 

Pasimple lang

Pasimple lang.. kang minamahal

La la..


More on Tyrone of Hiprap Fam