Tyrone – Masakit Mang Palayain Ka (feat. Beb)


Gusto ko lang na sabihin na sayo’y laking salamat ko

Dahil sayo aking sarili ay sadyang nahanap ko

Pag ibig mo itinatak na nga dito sa palad ko

Dahil akala ko ay akin ang lahat ng hawak ko

 

Heto ako umiyak tinitignan larawan mo

Tinatanong imahe mo ano bang kasalanan ko?

Sa sakit aking dama ay tila bang walang gamot

Tinatanong mga tanong ko na di na masasagot

 

Dahil wala kana mahal kasi di kana babalik

Dito sa piling ko na para bang wala ng papalit

Sa espasyo na iniwan mo gusto kong pagsisihan

Desisyon ko nun sa bagay na walang pagpipilian

 

Ang gulo ngayon ng isip ko bakit nagkaganito

Pati mga pangarap ko naglaho nang kasama mo

Ito pala yung pagmamahal hindi uso ang sapat

Luluha ka pa rin kahit ialay mo lahat

Uh!

 

Masakit  mang palayain ka

Ito ang tama at dapat para sating dalawa

Mabigat man sa damdamin ko

Ikaw ay hayaan sa iba

Nasa ala-ala ko naman ang lahat sinta

 

Napakasaya pa natin kasama kang mangarap

Ang mundo ko at buhay ko na sayo ko  lang nahanap

Ang aking dahilan kung bakit ka dinadasal

At habang tumatagal ay lalo kang minamahal

 

Alam mo yun hindi ko kaya ang mabuhay ng wala ka

At tanaw ko na ang bukas na ikaw aking kasama

Ang dami kong pangarap at mga hiling na sana

Ngunit dahil sayo lahat ng yon ngayon ay wala na

 

Nagbago ang lahat at biglaan na naglaho

Mga tamis at tila ba meron kang tinatago

Ngunit di ka matanong at para bang ako’y takot

Na marinig kung anuman ang iyong magiging sagot

Uh!

 

At mundo ko’y gumuho ng sambitin mo sakin

Ng buong katotohanan buong puso kang umamin

Na sa iyong sinapupunan meron kang dinadala

At sakit noong sabihin mong di ako ang ama

 

Masakit  mang palayain ka

Ito ang tama at dapat para sating dalawa

Mabigat man sa damdamin ko

Ikaw ay hayaan sa iba

Nasa ala-ala ko naman ang lahat sinta

 

Gusto ko itanong sayo kung saan ako nagkulang?

Ano bang nagawa ko at pano mo nakuhang

Ipadama sa akin ang sakit na ganito

Tinatanaw ang nagdaang nandito ka sa tabi ko

 

Alam mo yung pakiramdam di ba pangarap pa kita

Sayo ko lang nakita yung di ko mahanap sa iba

Pero ilaban pa kita, di na dapat pa diba?

Sige okay lang ako pinapalaya na kita

 

Dahil wala na kong karapatan na ang di pwede ipilit ko pa

Nung panahong nasa piling kanya merong ako ay naisip mo ba?

Napakasakit naman na magmahal alam mo na laman ka ng mga dasal

Pero ito di ko inaasahan ako’y bibitawan at gagawin mo ng hangal

 

Sana lang ay pakaingatan kanya, kaligayan iyong madama

Pinapangako buo na ako, basta ba ay  makita kitang masaya

Oo napakasakit na sa ganitong paraan kita papalayain

Para sayo at sa anak mo, pilit ko ‘tong kakayanin

 

Masakit  mang palayain ka

Ito ang tama at dapat para sating dalawa

Mabigat man sa damdamin ko

Ikaw ay hayaan sa iba

Nasa ala-ala ko naman ang lahat sinta

 

Masakit  mang palayain ka

Ito ang tama at dapat para sating dalawa

Mabigat man sa damdamin ko

Ikaw ay hayaan sa iba

Nasa ala-ala ko naman ang lahat sinta

 

Masakit  mang palayain ka

Ito ang tama at dapat para sating dalawa

Mabigat man sa damdamin ko

Ikaw ay hayaan sa iba

Nasa ala-ala ko naman ang lahat sinta

 


More on Beb