Toto Sorioso – Sa Muling Pagkikita


Sa muling pagkikita

Sa muling mayakap ka

Sa ngayon paalam

Ang pabaong alaala

Tangan ko’y pangako

Kahit na nagkalayo

Maghihintay magpakailanman

 

Kayhirap mong bitawan

‘Di maawat ang luha

Bakit ba kailangan

Lumisan ka’t mawala

Ang iyong pagbabalik

Aashan kong muli

Kahit maghintay magpakailanman

 

Hindi malilimutan ang pinagsamahan

Kulang ang oras nating hiram lamang

 

Hindi malilimutan ang pinagsamahan

Kulang ang oras nating hiram lamang

 

Sa muling pagkikita

Sa muling ika’y mahagkan

Tahan na’t ngumiti

Magsasama tayo lagi

Sa panaginip


More on Toto Sorioso