TJ Monterde & KZ Tandingan – Simula


Tayo ay babalik sa simula…

 

Ito na’ng ating unang pahina

Ang hakbang sa pagiging isa

Na pang habang buhay

‘Wag mangamba. ang pag-ibig ang ating punla

May Kapal ay syang may akda

Sa’ting paglalakbay

 

Balikan ating dahilan

Pagnakalimutan na ating sayaw

Kumupas dating pagtingin

At kung ang dulo ay natatanaw

Sumpaan ay gunitain

Tayo ay babalik, babalik sa simula

 

Kung dumating man

Ang unos na dala ng ulan

Lagi mong pakatatandaan

Yakap ko’y silungan

 

Balikan ating dahilan

Pagnakalimutan na ating sayaw

Kumupas dating pagtingin

At kung ang dulo ay natatanaw

Sumpaan ay gunitain

Tayo ay babalik, babalik sa simula

 

Kung maliligaw

Ikaw ang linaw

‘Di ka bibitawan

Sa sigwa o araw

Dilim o bughaw

Ikaw ang sigaw

 

Pagnakalimutan na ating sayaw

Kumupas dating pagtingin

At kung ang dulo ay natatanaw

Sumpaan ay gunitain

Tayo ay babalik,

Babalik…

 

Pagnakalimutan na ating sayaw

Kumupas dating pagtingin

At kung ang dulo ay natatanaw

Sumpaan ay gunitain

Tayo ay babalik,

Babalik…

Tayo ay babalik,

Babalik…

Tayo ay babalik,

Babalik…

… sa simula


More on KZ Tandingan