This Band – Nang Iwan


Nagtataka, natatakot, nalulungkot, nag-iisa
Alaala nung panahon ng andyan ka
Tila bangungot nang magising at wala ka na
Wala ka na

Nangangamba kung ako pa kaya’y iibigin pa
Dahil sa ‘yong dinulot parang wala na
Ang puso ko ngayo’y pagod nang umibig pa
Umibig pa

Ilang taon ang tiniis
Para hindi ka umalis
Ngunit ako’y iyong nilisan
Ako ba ang may kulang

Bakit ba binuhos panahon ko sa iyo
Hindi na dapat pang inalay sa ‘yo ang puso ko
Ngayon ako’y nahihirapan, kala ko’y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin
Na ako’y iyong iniwan

‘Di mapinta aking sarili nang ikaw ay mawala
Hanapin ang sarili’y ‘di ko na kaya
Hanggang kailan kaya ako magdurusa
Magdurusa

Ano bang mali
Bakit sa tuwing iibig ako’y laging sawi
Ibigin ang sarili ay nawala na
Hanggang kailan kaya ako magdurusa, magdurusa

Ilang taon ang tiniis
Para hindi ka umalis
Ngunit ako’y iyong nilisan
Ako ba ang may kulang

Bakit ba binuhos panahon ko sa iyo
Hindi na dapat pang inalay sa ‘yo ang puso ko
Ngayon ako’y nahihirapan, kala ko’y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin
Na ako’y iyong iniwan

At kung muli na magtagpo
Sana sabihin mo na lang ang totoo
At kung huling usap na ‘to
Isang tanong na lang ang sasabihin ko

Ohh bakit ba binuhos panahon ko sa iyo
Hindi na dapat pang inalay sa ‘yo ang puso ko
Ngayon ako’y nahihirapan, kala ko’y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin
Na ako’y iyong iniwan

Ohh bakit ba binuhos panahon ko sa iyo
Hindi na dapat pang inalay sa ‘yo ang puso ko
Ngayon ako’y nahihirapan, kala ko’y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin
Na ako’y iyong iniwan

Bakit ba binuhos panahon ko sa iyo (Ohh, bakit ba binuhos)
(Hindi na dapat pang inalay sa ‘yo ang puso ko)
Ngayon ako’y nahihirapan…
Ang sakit-sakit isipin
Na ako’y iyong iniwan…


More on This Band