The Knobs – Paalam


Ngayong wala ka na sa akin
Hinahanap ang dating pagtingin
Nangagarap na lang sa bituin
Na sana’y makita kang muli

Hindi na babalik sa dati
Wala ka na sa’king tabi

Paalam sa atin
At sana ako’y patawarin
Aasa bang babalik sa dati
Babalik sa dati

Saan na nga ba ‘to patungo
Ang tadhana’y naging mapaglaro
Unti unti nang naglalaho
Ang mga pangarap nating pinangako

Hindi na ba magbabalik
Sa’yong pagmamahal ako’y sabik

Paalam sa atin
At sana ako’y patawarin
Aasa bang babalik sa dati
Babalik sa dati

Wag kang lalayo
Maghihintay pa rin ako
Baka sakaling bumalik sa dati
Na dito ka sa’king tabi

Paalam sa atin
At sana ako’y patawarin
Aasa bang babalik sa dati
Babalik sa dati

Paalam sa atin
At sana ako’y patawarin
Aasa bang babalik sa dati
Babalik sa dati


More on The Knobs