The Juans – Sirang Plaka

the juans lyrics
‘Di mo na kailangang ulit-ulitin pa
Dahil kabisado na ang mga letra
‘Di mo na kailangang ipangalandakan
Mga dahilan kung bakit nagkalabuan
Tayo’y nandito na naman
‘Di makabangon sa bigat ng nakaraan
Mabuti pa yatang mag-isa
Dahil kapag kasama ka
‘Di ko na madama kung tayo pa ba
Dahil habang tumatagal
Lagi na lang nagtataka
Parang ako sa ‘yo’y ‘di mahalaga
Siguro nga tapusin na
Para na tayong sirang plakaIlang ulit ba nating pagtatalunan
Sino ba ang tunay na may kasalanan
Parehas naman nating hindi kagustuhang
Lumipas ang pag-ibig at magkasakitan
Tayo’y nandito na naman
‘Di makabangon sa bigat ng nakaraan

Mabuti pa yatang mag-isa
Dahil kapag kasama ka
‘Di ko na madama kung tayo pa ba
Dahil habang tumatagal
Lagi na lang nagtataka
Parang ako sa ‘yo’y ‘di mahalaga
Siguro nga tapusin na
Para na tayong sirang plaka

Siguro nga tapusin mo na lang
Nakakapagod na
Paulit-ulit tayong dalawa
Siguro nga tapusin mo na lang
Nakakapagod na
Paulit-ulit tayong dalawa
Siguro nga tapusin mo na lang
Nakakapagod na
Paulit-ulit tayong dalawa
Siguro nga tapusin mo na lang
Nakakapagod na
Para na tayong sirang plaka

Mabuti pa yatang mag-isa
Dahil kapag kasama ka
‘Di ko na madama kung tayo pa ba
Dahil habang tumatagal
Lagi na lang nagtataka
Parang ako sa ‘yo’y ‘di mahalaga
Siguro nga tapusin na
Para na tayong sirang plaka


More on The Juans