Syd Hartha – Tila Tala


Kapag nahulog nang tuluyan ang aking damdamin
Nariyan ka ba para ako’y saluhin?
Mukhang malabo
Mukhang sa panaginip ko lamang posible ‘to

Bakit ganito?
Sa lahat ng tao, ikaw pa
Ang napiling isigaw ng puso
Sino ba naman ako para piliin mo?

Tila tala sa kalangitan
Kaakit-akit subalit
Ako’y hanggang tingin lang
Kahit anong pilit na ikaw ay abutin
Hindi ka kailan man magiging para sa akin
Kahit anong pilit
Hindi ka mapapasaakin

Pilit na ikinukubli ang nararamdaman
Tumitigil ang paligid tuwing ika’y nariyan
At sa iyong paglapit
Natataranta, ako’y natotorete nalang
Huwag mo naman akong tignan nang ganyan
Hinay hinay lang, mahina ang kalaban
Hindi madaling mapa-ibig sa katulad mo

Bakit ganito?
Sa lahat ng tao, ikaw pa
Ang napiling isigaw ng puso
Sino ba naman ako para piliin mo?

Tila tala sa kalangitan
Kaakit-akit subalit
Ako’y hanggang tingin lang
Kahit anong pilit na ikaw ay abutin
Hindi ka kailan man magiging para sa akin
Kahit anong pilit
Hindi ka mapapasaakin

Malabo, malabong malabo
Malabo, malabong malabo
Malabo, malabo
Malabong ako ang pipiliin mo
Malabo, malabong malabo
Malabo, malabong malabo
Malabo, malabo
Malabong piliin mo ang tulad ko

Tila tala sa kalangitan
Kaakit-akit subalit
Akoy hanggang tingin lang
Kahit anong pilit na ikaw ay abutin
Hindi ka kailan man magiging para sa akin
Kahit anong pilit
Hindi ka mapapasaakin


More on Syd Hartha