Sugarfree – Nagkita Muli


Kung may lungkot sa aking nakaraan
May luha mga pusong nasaktan
Mayro’n ding alaalang ‘di malilimutan
Ang saya ng kahapon na lalang

At ngayon tayo’y nandito’t nagkita muli
Naghilom ang mga sugat at lahat ng hapdi

Hindi man tayo nagtuloy-tuloy noon
Hindi man natin sinulit ang kahapon
Wala ng pipigil pa ngayon
Sa ating pag-ibig
Ang ating pag-ibig

May simula, ‘pag natapos ang katapusan
Magpahinga sa bawat eksenang madrama
May liwanag na nakayakap sa kulimlim
May ngiting nag-aabang sa atin

At ngayon tayo’y nandito’t nagkita muli
Naghilom ang mga sugat at lahat ng hapdi ohhh…

Hindi man tayo nagtuloy-tuloy noon
Hindi man natin sinulit ang kahapon
Wala ng pipigil pa ngayon
Sa ating pag-ibig

Hindi man tayo nagtuloy-tuloy noon
Hindi man natin sinulit ang kahapon
Wala ng pipigil pa ngayon
Wala ng pipigil pa
Wala ng pipigil pa ngayon
Sa ating pag-ibig
Ang ating pag-ibig


More on Sugarfree