STPHN – DPWKS (feat. CLR)


Chorus:
Wag na wag kang pumiglas
Di pa ito ang wakas
Hayaang magkapakpak muna
Bago lumipad
Na parang ibon lang (na malawaya, na malaya)
Tanaw ka dito hanggang sa (wala na, nawala na)

STPHN
VERSE 1:
Alam ko na alam ko na, na kumplikado
Subalit mas sumugal kahit mapaso
Nagbabakasakaling larawang perpekto
Kasi ang walang hanggan di basta naglalaho
Natuto na ba to sa dating drama?
O binago lang mga lumang eksena
Manhid na sa pahinang nasasaktan
Pinairal damdamin pikit matang sasakyan
Wag lang mawawala bango ng rosas
Matinik man ang kamay di magpupumiglas
Sasalubungin kalakip na unos
Di man sang-ayon sa agos lasapin ng lubos

(Chorus)

Verse 2:
Oo nakuha na ang nais mo iparating
Masisi ba kung nabihag sa kanyang dating
Lasong may halong pag-ibig at kasalanan
Sinusubukan sa oras ng kagipitan
Nakapusta kahit pa huling alas
Sa una buwenas pero tila minamalas
Sugal nga ito minsan dinadaya
Nanalangin s cruz bat’ kumakara
Bulag pipi at bingi tingin ng karamihan
Buhay makulay parang buhok ni Rodman
Tinitiis kapalit na handog na saya
Martir nga ba to o sadyang hangal ka na?

(Chorus)

Bridge:
Kahit kelan di nakuhang lamangan
Kumpleto lasa dehins to matabang
Para di magsawa nilagyan ng anghang
Bawat rekado masustansya di ba nasarapan?
Kahit kelan di nakuhang lamangan
Kumpleto lasa dehins to matabang
Para di magsawa nilagyan ng anghang
Bawat rekado masustansya, di ba nasarapan?

CLR VERSE:
Dadahan-dahanin natin kung ayaw mong bilisan sa akin ka lang magpasanib
pag sa iba’y alanganin iba ang kan’lang hangarin pagkatao mo ay hahamakin
pag sumama sakin mundong to mo ay ating lilisanin
Pwede bang papilit ka di kita hahayaang mag-isa’t mugtong mga mata
Ako ma’y nakaabala nais kong ipaalala mundong to’y may bunganga’t handang lamunin ka
Bumangon para pagtakpan ng make-up ang mukha nya na puro pasa na tanggalin nya sana
Ngunit kahit pa ilang patong ng koloreta ay lalong agaw atensyon akala nya di ko mahalata
Halika’t pahilumin natin yan (pahilumin natin)
Balikat ko’y gawin mong sandalan (gawin mong sandalan)
Pero ayaw mo ng makinig sa akin bakit?
Dahil ba sa mga pekeng diyamante sa mga taynga mo na nakasabit?
Payo lang sinta wag kang magagalit wala ka sa langit, ‘kay nasa lupang mala-impiyerno na ang init (check it!)
Ihaharap ka di ka bagay dyan sa gilid gagawin kang reyna ‘bibigay lahat ng hilig
Sana’y balang araw ito ang ‘yong ma-iisip kaso ayaw mong kumawala sa rehas ng pagkalupig ayaw mong…

Lumipad 3x
Tutal ay may pakpak ka na sinta subukan mo ng
Lumipad 3x


More on CLR