Still One & Yhanzy – Huling Yakap


Bago natin kalimutan ang isa’t isa

Nais kong hawakan ang iyong mga kamay kahit sa huling sandali

Magkahiwalay man tayong dalawa

Lungkot at sakit man ay aking madama

Di man tayo magkita balang araw

Aking panghahawakan na naging parte ka ng buhay ko

 

Kahit huling yakap nalang

Bago tayo magkahiwalay

Lagi mong tandaan kung ga’no kita kamahal

At maayos natin na bibitawan ang isa’t isa

 

Bago tayo magmahal ng iba

Gusto kong mayakap ka at mahagkan

Kahit may luhang nakakubli

Magkahiwalay man tayo’y may saya

Na madarama at magpapaalala sa paglipas ng panahon

Ay minsang nagkaro’n ng ikaw at ako na nagmamahalan

 

Kahit huling yakap nalang

Bago tayo magkahiwalay

Lagi mong tandaan kung ga’no kita kamahal

At maayos natin na bibitawan ang isa’t isa

 

Bago pa natin tahakin ang bukas na kung sa’n hindi na tayong dalawa

Pwede ko bang tuparin yung mga hiling mo sakin na hindi ko nagawa

Dahil sa labis naging abala nalimutan ko na ika’y paglaanan

Inisip ko ang ating kapakanan at hindi ang lumbay mong nararamdaman

 

Di ko alam sa likod ng  mga tampo mo at masasakit na salita

Yung pagkukulang ko sa iyo bilang asawa’y nahanap mo na sa iba

Sa halip na dapat ako’y galit sa awa sayo’y napaluha ako

Niyakap ka habang humahagulgol, patawarin mo ‘ko kung nagkulang ako

 

‘Di ko inakala na yung dating tayo na masaya habang nagliligawan

Eto dumating na sa katapusan at maayos kitang hihiwalayan

Pero bago tayo magkawatak mamimiss ko ang yong mga talak

Yung mga luto mong masasarap na sa puso ko ay talagang tumatak

 

Wag mong sisihin ang sarili mo, ako ang dapat non na gumawa

Labis kong pagkukulang ang nagtulak sayo para gumawa ng masama

Punasan mo na ang ‘yong mga luha, tumahan kana at mapalagay

Walang sama ng loob salamat sa maayos nating paghihiwalay

 

Kahit huling yakap nalang

Bago tayo magkahiwalay

Lagi mong tandaan kung ga’no kita kamahal

At maayos natin na bibitawan ang isa’t isa

 

Kahit huling yakap nalang

Bago tayo magkahiwalay

Lagi mong tandaan kung ga’no kita kamahal

At maayos natin na bibitawan ang isa’t isa


More on Still One