Still One & Yhanzy – Hinintay Kita


Tinatanaw ko pa rin

Yung pag asang katiting

Na muli kang magbabalik sa akin

At muli kitang yayakapin oohhh

 

Sadyang napakarami na

Taon na dumaan

Ikaw pa rin ang nilalaman

Ng puso’t isip kong sumisigaw na..

 

Sana marinig mo aking tinig

Na humihiling at muling lingunin

Nandito pa rin umaasa

Sa pangako mong binitawan

 

Nag aabang sa bintana

Baka sakaling kumaway ka

At muling dumungaw sa pag ibig nating nawala

Dahil nga

 

Hinintay kita

Kahit parang malabo na

Ang pagbabalik mo

Pangako mo’y pinanghawakan ko

 

Hinintay, hinintay  kita

Umaasang muli mong balikan

Kahit na humantong pa sa wala

 

Hanggang ngayon ang hirap tanggapin

Na ilang taon na kitang hinintay wala ka pa rin

Aasa pa ba ko? sabihin mo please!

Hindi ko na kaya sobra kitang miss

 

Yung mga ngiti mo na matatamis

Pag naiisip, nakakahinagpis

Naaalala ko yung mga sinabi mo bago sumakay ng eroplano

Na kahit malayo sa isa’t isa sumumpa kang walang magbabago

 

Pero ano? ni kamusta

Parang wala kang balak na gawin

Di alam kung babalik ka pa ba

Hanggang kailan mo pag aantayin?

 

May ikaw pa bang gusto kong makasama

May ikaw pa bang ako’y naaalala

May ikaw pa bang bubuhay sa pag asa

Na babalik ka sakin parang wala na

 

Ako na lamang ba ang lumalaban

Tang ina! ‘di kita kayang sukuan

Kahit na sobra mo kong napuruhan

Sa sobrang sakit lagi kong tuturuan

 

Ang puso kong ika’y patawarin

Ano mang bagay ang rason

Para bigla ka na lang mawala

At talikuran ako ng ganon

 

Ganon pa man nangyare na yon

Gusto ko lang ay mapanatag

Kung babalik ka pa sa piling ko

Ay don mo na lang ipaliwanag

 

Hinintay kita

Kahit parang malabo na

Ang pagbabalik mo

Pangako mo’y pinanghawakan ko

 

Hinintay, hinintay  kita

Umaasang muli mong balikan

Kahit na humantong pa sa wala

 

Paasa, limang pirasong letra

Pero andaming nabibiktima

Nakakatawa mang aminin

Pero isa ako sa kanila

Kabisado ko na 

Alam ko ang kahulugan ng bawat kilos mo

Ayokong tanggapin sa sarili

Ayokong maniwala na ako’y napaikot mo

Kaya kahit masakit

Tinatakpan ko ang mata

Nagbubulagan sa katotohanan na sumama kana sa iba

Kaya ko pa, oo kaya ko pa

Alam kong malabo na pero sige

Hihintayin kita

Hindi ko alam kung hanggang kailan mo ako papaasahin

Pero oo, hihintayin kita

Hihintayin kita…..

 

Hinintay kita

Kahit parang malabo na

Ang pagbabalik mo

Pangako mo’y pinanghawakan ko

 

Hinintay, hinintay  kita

Umaasang muli mong balikan

Kahit na humantong pa sa wala

 

Hinintay kita

Kahit parang malabo na

Ang pagbabalik mo

Pangako mo’y pinanghawakan ko

 

Hinintay, hinintay  kita

Umaasang muli mong balikan

Kahit na humantong pa sa wala


More on Still One