Still One x Zync – Tapos Na Tayo


Paulit ulit na nasasaktan

Ilang ulit na ba ngayon ay may iba ka na naman

Di mo na ako pinapansin

Sinasanay mong tiisin lang ako

Ba’t gan’to?

 

Di ko alam kung kaya ko pa

Madalas na kaibigan ko pa

Ang mga kalaguyo mo

Hirap na ang puso ko

 

Ako’y nagsusumamo na tama na

Magbuhat ngayon ang lahat satin ay tapos na tama na

 

Nakakapagod na masaktan sa’yo

Di na kaya ng puso ko

Na paulit ulit mo akong saktan

 

Ayoko ng danasin muli sa kamay mo’y masawi

Hindi na mauulit pa dahil natapos na

 

Ang alam ko tayong dalawa ‘y di nagkahiwalay

Ang alam ko  bigla ka na lamang nag iba

At sa relasyong ‘to nanamlay

Di na ikaw yung lalakeng malambing

Nakakapanibago di  na malabong maulit

Kasi minsang pinagpalit mo na ako

 

Di lang isa, di lang dalawa, di lang tatlo, di na mabilang

Kaliwa’t kanan ang naging babae

Madalas aking mga kaibigan

Ang masakit, bukod sa relasyon natin ay tuluyang natapos

 

Ang kaibigan kong pinatos mo

Hindi na kami  magkakaayos

Kasi tangina ka, magaling ka

Pagkaharap ako mabait ka

Kala mo kung sinong romantiko

Pero kapag pagkatalikod ko, malandi ka

 

Mahal kita, di ko ‘to ginagawa para humingi ng simpatya

Gusto ko lang lahat ay ilabas

Kasi hindi na ako makahinga

 

Ang sakit na, ang sakit na

Gustong gusto na kitang kalimutan

Gustong gusto na kitang burahin

Dito sa aking magulong isipan

 

Sobra ka na, ayoko na

Hindi mo na sa’kin magagawa ‘to

Dahil magbuhat ngayon, tangina mo

Paalam na tapos na tayo

 

Nakakapagod  ng masaktan sa’yo

Di na kaya ng puso ko

Na paulit ulit mo akong saktan

Ayoko ng danasin muli sa kamay mo’y masawi

Hindi na mauulit pa dahil natapos na

 

Nakakapagod ng masaktan sayo

Di na kaya ng puso ko na paulit ulit mo akong saktan

Ayoko ng danasin muli sa kamay mo’y masawi

Hindi na mauulit pa dahil natapos na


More on Still One