Still One – Salamat Lloyd


Umaapaw ang tawanan at mga palakpak

Sa tuwing ika’y naglalabas ng bago mong vlog

Wala akong magawa kun’di panuorin magdamag

Ang mga nakakalibang na harutang pagtalak

 

Gusto mo yun? gusto ko yun! o di ba parang bongga?

‘Yan ang linyahan mo na mamimiss namin ng sobra

Mga sigaw mo na parang pampagising sa tulog

Ultimo bata’t matanda gusto kang mapanuod

 

Yung mga palaro mong marami kang napasaya

At masasabi ko ang oras ko’y hindi na akyasa

Na panuorin ng sandali nagbibigay ngiti

Panindalian na poblema ay naiisantabi

 

Sa puso namin ay hindi ka mapapalitan

Mga huling i-nupload mo lagi naming babalikan

Alam ko gusto mo yun, syempre oo gusto ko yon’

Sana ngayon nasa piling kana ng Panginoon

 

Nalilimutan ang poblema

Panay halak ka at patawa sa mga pictures mo

Grabeng goodvibes ko

Maraming salamat sayo oohhh

 

Yung kusang loob mo pagtulong sa nangangailangan

Pagtulong sa kapwa na may kasamang kasiyahan

Na naging daan upang  samin lalo ka’y mapalapit

Isa kang tunay na kaibigan na napakabait

 

Yung mga batang binigyan mo ng gamit sa eskwela

Tiyak na habang panahon ika’y maaalala

Mga kapitbahay na sayo’y sobrang napamahal

Ngayon ay nagluluksa ikaw pinagdarasal

 

Lahat ng mga vlogger youtuber ay nagluluksa ngayon

Dahil pumanaw isa naming pundasyon

Ika’y aming inspirasyon na mas pag igihan

Magkikita rin tayo sa dulo ng walang hangganan

 

Dito sa puso namin ay hindi mapapalitan

Mga huling i-nupload mo lagi namin babalikan

Alam ko gusto mo yon’, syempre oo gusto ko yon’

Sana ngayon nasa piling kana ng Panginoon

 

Nalilimutan ang poblema

Panay halak ka at patawa sa mga pictures mo

Grabeng goodvibes ko

Maraming salamat sayo oohhh

 

Yung pagmamahal mo sa pamilya mo lalo sa iyong ina

Ang pinakarason kung bakit naging idolo kita

Hindi ka nanghihinayang ubusin pinaghirapan mo

Upang mapasaya mo ng lubusan ang nanay mo

 

Sa maikling taon na nabuhay ka sa mundong ito

Kitang kita naman na marami na ang natulungan mo

Ngayon sa piling ng Panginoon ikaw ay aakyat

Nang masaya dahil sa mundo ika’y isang alamat

 

Nalilimutan ang poblema

Panay halak ka at patawa sa mga pictures mo

Grabeng goodvibes ko

Maraming salamat sayo

 

Nalilimutan ang poblema

Panay halak ka at patawa sa mga pictures mo

Grabeng goodvibes ko

Maraming salamat sayo oohhh

 


More on Still One