Still One – Salamat Idol Raffy Tulfo


Raffy Tulto isang taong hindi ka iiwanan
Basta nasa tama ka ilalaban ka ng patayan
Kahit na sariling reputasyon niya ang itaya
Ipagtatanggol ka niya kahit siya ang mapahiya

Ang sarap kapag panatag san man ang ‘yong tungtungan
Dahil merong raffy tulfo ka na masusumbungan
Pag sa hirap ang lahat ay gusto mo ng tuldukan
Gagawa ng paraan pag siya ang ‘yong tinakbuhan

Di lang basta solusyon sayong pinagdadaanan
Maraming mahirap ang binigyan ng kabuhayan
Mga tao na binuhay ang pag-asa na naglaho na
Mga taong sumuko na sa buhay ibinangon niya

Idol napakasarap mo magmahal
Sana araw araw ay gabayan ka ng maykapal
Dahil sa mga pagtulong mo na walang kapalit
Nakita yon lahat ni lord siya na bahalang magbalik

Salamat sayo idol raffy tulfo
Ika’y sandalan ng mga inaaping pilipino
Nandiyan ang diyos ama nakamasid sayo ika’y ginagabayan
Kailangan ka ng sambayanan
Idol raffy tulfo

Ng dahil sayo maraming mga taong bumait
Marami ang natutong pag napulot dapat ibalik
May mga taong binalik mo ang ngiti sa mga labi
Binigyan ng pag-asa na muli nilang mabawi

Mga taong inapi na binigyan ng hustisya
Mga pinag-ayos na mag-asawang nasisira
Mga pinagbating kaibigan na nagka-inggitan
Masasamang banta ay nagawa mong mapigilan

Ikaw ang naging takbuhan ng mga inaabuso
At dahil don saludo sayo ang ating pangulo
Napakasarap na merong tulad mong aming takbuhan
Upang makamit namin ang asam na katarungan

Dahil sa iyo di na kami pwedeng apak-apakan
Wala ng mga tao na maghahari-harian
Salamat sa pagtulong ng walang kapalit
Nakita yon lahat ni lord siya na bahalang magbalik

Salamat sayo idol raffy tulfo
Ika’y sandalan ng mga inaaping pilipino
Nandiyan ang diyos ama nakamasid sayo ika’y ginagabayan
Kailangan ka ng sambayanan
Idol raffy tulfo

At dumating man sa puntong makagawa ka ng mali
Dahil sa taong gusto mong ipaglaban
Hamakin man nila o kutyain at ika’y pagkaisahan
Idol hinding hindi ka namin iiwanan
Kakampi mo kami, kakampi mo ang diyos
Dahil alam niyang gusto mo lang makatulong sayong kapwa
Mapalad ang mga pilipino dahil may isang raffy tulfo
Na ipaglalaban kung ano ang tama
Ikaw ang aking idol san man makarating
Sana di ka magsawang kami ay mahalin
Gumawa ka man ng isang mali
Yung milyong nagawa mo paring tama ang aming titingalain
Kailangan ka ng ating bayan kailangan ka ng mga pilipino
Lalo na ng mga maliliit
Salamat sa pagtulong mo ng walang kapalit
Panginoong hesus na ang bahalang magbalik

Salamat sayo idol raffy tulfo
Ika’y sandalan ng mga inaaping pilipino
Nandiyan ang diyos ama nakamasid sayo ika’y ginagabayan
Kailangan ka ng sambayanan
Idol raffy tulfo

Salamat sayo idol raffy tulfo
Ika’y sandalan ng mga inaaping pilipino
Nandiyan ang diyos ama nakamasid sayo ika’y ginagabayan
Kailangan ka ng sambayanan
Idol raffy tulfo


More on Still One