Still One – Pagusapan Natin To (feat. Joshua Mari)


Tiwa wala ng pag asa

Pero di ko makakayang lumayo ka

Sadyang gumulo lang ang sitwasyon nating dalawa

 

Pwede naman nating pag usapan

Upang masalba ang pagmamahalan

Di naman madali para sakin na bitawan ka

Di ka pakakawalan alam mo ba na pinangako na iingatan ka

 

Pakiusap wag kang hahanap ng iba

Pangako natin ay mag iisang dibdib at haharap pa sa altar

Sabihin mo na ako ang iyong mahal

Pwede ba na pagbigyan mo muling tanggapin ang aking puso

At ating tuparin ang dating naiwan nating mga pangako

 

Pag usapan natin to

Ayoko ng ganito

Bakit biglaan ata na iiwan mo ko

Ibalik natin yung dati pagmamahalan natin

Yung ako lang ang  yong mahal mo at tanging iibigin

Ohhhhhhh….. Pag usapan natin to

 

Ibalik natin yung dati yung puro ngiti lang palagi

Masasayang pangyayari puro pag ibig ang namumutawi

Parang nasa bahaghari pag nakahalik sayong labi

Ngunit hindi na yon namalagi dahil sa away na napakarami

Mga ugaling magkasalungat ang bumali sa tibay ng pagkakakapit

Hindi mo na ako pinaniwalaan at sa payo ng iba ay nagpaakit

Kahit may paraan pa naman isipin mo lang ay palawakin

Ngunit naging bakal ang yong tigas kaya relasyon natin naging kalawangin

Naging alanganin, yung mga plano natin ay hindi na naisakatuparan

Dahil ngayon ay nagkaalaman na ako na lang ang lumalaban

Puro ikaw na lang wala ng tayo araw araw na lamang nagtatalo

Habang nilalambing ka’t sinusuyo galit mo’y mas tumitindi pa lalo

Ramdam ko na kung san tayo patungo sa pag iyak at sa pagkakalumo

Sa kalungkutan at sa pagkaguho aking luha na naman ang tutulo

Iniwan mo na ako ng mag isa at hindi ka man lang lumaban

Tinuldukan mo na ang pagsasama pano pa natin pag uusapan

 

Pag usapan natin to

Ayoko ng ganito

Bakit biglaan ata na iiwan mo ako

Ibalik natin yung dati pagmamahalan natin

Yung ako lang ang yong mahal at tanging iibigin

 

Pag usapan natin to

Ayoko ng ganito

Bakit biglaan ata na iiwan mo ako

Ibalik natin yung dati pagmamahalan natin

Yung ako lang ang yong mahal at tanging iibigin

 

Pag usapan natin to ohhhh owoohhhh

 


More on Joshua Mari