Still One – Nang Dahil Sa ML


Pag tayo’y nag m-ML na gumagaan ang problema

Lahat handa kong salubungin basta ikaw ang kasama

Kahit ikapahamak ko sasaluhin para sayo

Ganyan kita kamahal kahit sa ml lang tayo nagkakilala

 

Araw araw ako’y ganado maglaro ng rank

Ikaw ang aking mm at ako ang iyong tank

Wag ka lang mabawasan ako na ang sasalo

Sayo lang lahat ng kill pag may nahahatak ako

 

Hindi maghihiwalay lagi tayong magkasama

Kahit minsan panay talo lagi pa ring nakatawa

Ang sarap pag ika’y kasama maglaro

Minsan pagpasensyahan mo na kung nagla-lag ako

 

Gagawa ng paraan para lamang makabalik

Sa wifi ng kapitbahay ako’y makikiconnect

Wag mo lamang iisipin na ika’y iniwan ko

Makikipag murahan pag may tumatrashtalk sayo

 

Lahat ng mga skin na natitipunan mo

Sabihin mo lamang sakin at pag iipunan ko

Basta para sa iyo kahit epic skin pa yan

Kahit walang matira sakin di kita tatanggihan

 

Pag tayo’y nag m-ML na gumagaan ang problema

Lahat handa kong salubungin basta ikaw ang kasama

Kahit ikapahamak ko sasaluhin para sayo

Ganyan kita kamahal kahit sa ml lang tayo nagkakilala

 

At habang tumatagal ang panahong ka-party ka

Nararamdaman ko na ika’y nagiging parte na ng buhay ko

Hindi na sanay kapag ika’y wala

Salamat sa mobile legends at nakilala kita

 

Ikakain ko na lang ipapangload ko pa

Takot ako na baka ika’y sumama sa iba

Hindi na laro itong aking nararamdaman

Dahil pag iba ang kasama mo ako’y  nasasaktan

 

Gusto ko ako lang palagi ang iyong support

Gusto ko ako yung tatangke pag ika’y naglolord

Gusto ko ikaw lang yung laging nasa aking likod

Ma free hit mo lang sila okay lang kahit mabugbog

 

Diyan ako naiin-love kapag nag lelesly ka

Kasi na iimagine ko na ganon ka kaganda

Basta kumapit ka lang kahit maraming mga cancer

Darating ang araw aalis din tayo sa grandmaster

 

Pag tayo’y nag m-ML na gumagaan ang problema

Lahat handa kong salubungin basta ikaw ang kasama

Kahit ikapahamak ko sasaluhin para sayo

Ganyan kita kamahal kahit sa ml lang tayo nagkakilala

 

Sa araw araw nating pagpupuyat kakalaro

Sa wakas mythical glory na ang ating mga ranggo

Ang ligaya sa ating puso ay hindi matumbasan

Kaya agad kong tinanong kung pwede kitang puntahan

 

At sa ating pagkikita hindi makapaniwala

Mas maganda ka pa higit sa’king inaakala

Agad kitang niyaya mag gala sa may parke

Hanggang sa aming pag de-date nag mml pa rinm kami

 

Ang saya di ko akalaing dito hahantong

Yung mga bagay sakin isip na lagi kong tinatanong

Yung babaeng dating sa ml ko lang nakakasama

Ngayon gf ko na’t malapit na maging asawa

 

Yung dating inaalalayan kong kumuha ng buffs

Ngayon ay binigyan na ako ng sobrang cute na anak

Maraming salamat sa aking paglalaro ng ml

Nahanap ko na rin ang aking tunay na forever

 

Pag tayo’y nag m-ML na gumagaan ang problema

Lahat handa kong salubungin basta ikaw ang kasama

Kahit ikapahamak ko sasaluhin para sayo

Ganyan kita kamahal kahit sa ml lang tayo nagkakilala

 

Pag tayo’y nag m-ML na gumagaan ang problema

Lahat handa kong salubungin basta ikaw ang kasama

Kahit ikapahamak ko sasaluhin para sayo

Ganyan kita kamahal kahit sa ml lang tayo nagkakilala


More on Still One