Still One – May Toyo Ka


Dala dala ko na yung fries

Para ang pakiramdam mo naman maging nice

Yung paborito mo na milktea, baby anong size

Baka mawarla pagmali makita yung ice

 

Naku hindi ko na alam ang gagawin ko

Ang hirap talaga pag ika’y may toyo

Sinabayan pa talaga ng dalaw mo

Galit na naman ako kapag tinupak ‘to

 

I always telling you what happen kasi laging galit sakin

Pag tinanong kung saan gustong kumain

Walang kahit na resto sa amin

Pero maririnig na ako ay nagagalit

Hinding hindi naman kung bakit

Kahit empty na yung wallet

 

Oh baby kahit na may toyo ka

Alam mo naman na mahal kita

Tubidobido

Pag gising sa umaga ay hiling mo lang ang hanap ko

Kahit na madalas na lang sinusungitan mo

 

Kahit na may toyo ka, mahal kita

May toyo ka, mahal kita

May toyo ka, yeah

Tandaan mo na mahal kita

 

May something is wrong

Baby ano na naman yung kinagalit mo

Baby ko pasensya na dala dala ko na rin yung nerequest mo na mangga

 

Kasi ako ay tapos kapag ikaw ay nagagalit

Baby I’m sorry na agad

Okay lang sakin na kahit

Paulit ulit na nangyayari

 

Hindi kita iiwan kahit na palagi ka ng ganyan

Di pagpapalit kahit kanino man

Asahan mo yan hindi kita iiwan

Kahit palagi ka na lang ganyan sa akin nagtatampo

Hindi ko bibitawan ang mga kamay mo

I’m promise to you Baby ko, oh baby ko

 

Oh baby kahit na may toyo ka

Alam mo naman na mahal kita

Tubidobido

Pag gising sa umaga ay hiling mo lang ang hanap ko

Kahit na madalas na lang sinusungitan mo

 

Kahit na may toyo ka, mahal kita

May toyo ka, mahal kita

May toyo ka, yeah

Tandaan mo na mahal kita

 

Ganito talaga ang babae

Di makaimik at di masabe

Ang sakit na nararamdaman

Kapag dinadatnan ng dalaw niya

 

Bakit ba kasi kayong lalake

Di maintindihan sa isang sabi

Wag nyo kaming pipikonin

At baka kayo masaktan din

 

Sorry na mahal yakapin moko

Baka sakaling na mabago mood ko

Pero bakit sobra pang kulit mo

Pwede bang tigilan mo

Bakit ba ganyan ka

 

Yeah! baliw ka kasi

Di ko alam kung  pa’no kita patitinuin

Kahit ako pa ang pasaway

Pasalamat ka nandito padin ak para sayo

 

Para ika’y alagaan at intindihin

Kahit pagkwan ang paborito mo

Kahit na malaki aking bibitbitin

 

Lagi kang masungit

Araw araw na lang nakakunot nuo mo

Minsan mo na lang ako lambingin

Pakiramdam di pa totoo

Eh kasi sanay na panay taray ang bungad mo sakin kada umaga

Hay kahit sablay ang iyong ugali

Pasensya kana mahaba para sayo

 

Oh baby kahit na may toyo ka

Alam mo naman na mahal kita

Tubidobido

Pag gising sa umaga ay hiling mo lang ang hanap ko

Kahit na madalas na lang sinusungitan mo

 

Kahit na may toyo ka, mahal kita

May toyo ka, mahal kita

May toyo ka, yeah

Tandaan mo na mahal kita

 

 

 

 


More on Still One