Still One – Liham Ng OFW (feat. Joshua Mari)


Ako si Rommel manggagawa sa bansang Qatar

Nakipagsapalaran para sa’king mga mahal

Na anak at asawa na kailangang buhayin

Upang ang hirap ko noon ay hindi nila danasin

 

Ilang pasko’t bagong taon ang dumaan ng mag isa ko

Alam kong masaya sila ngayon sa salo salo

Panahon na di pa uso ang mga teknolohiya

Kaya ilang taon ko na silang di nakikita

 

Sa anim na buwan isang beses lang akong tumatawag

Upang ang kanilang kalooban ay mapanatag

Sa halip na kamusta, sa halip na mag alala

Ang tanong ay kung kailan ka ulit magpapadala

 

Mga hiling na laruan, damit, sapatos mga luho

Halos itlog na lang araw araw kong sinusubo

Ni wala akong naipon patapos na ang kontrata ko

Tadtad pa ko ng utang sa amo’t mga kasama ko

 

Sa hirap ng buhay pinilit lumayo

Di inalintanang mawala sa piling niyo

Gagawin ko ang lahat magsasakripisyo titiisin ko ang lungkot

Para sa pamilya kong minamahal,pangako babalik ako

 

Sa araw aking pag uwi, ako ay nagtago

Dahil sa takot baka magutom ang pamilya ko

Ilegal na nagtatrabaho sa gawaan ng paleta

Tiniis ko ang hirap kahit ang sahod ay mababa

 

Paglipas ng isang dekada sa awa ng Diyos

Ang panganay ko na si Ana ay aking napagtapos

Nagbunga ang pagtitiis ko at aking pinaghirapan

Ngunit isang sakit ang hindi ko inaasahan

 

Na magpapahina’t babalda sa aking katawan

Magkahalong lungkot at takot ang nararamdaman

Paano ang pamilya ko tatlo pa ang pinapaaral ko

Ang sabi ng doctor bilang na raw ang mga araw ko

 

Wala ‘kong nagawa kundi sumuko sa batas

At sa bansa ng Qatar tuluyan na kong lumabas

At nung malapit na ko ibang kaba ang naramdaman

Laking gulat ko at galit ang aking nadatnan

 

Sa hirap ng buhay pinilit lumayo

Di inalintanang mawala sa piling niyo

Gagawin ko ang lahat magsasakripisyo titiisin ko ang lungkot

Para sa pamilya kong minamahal, pangako babalik ako

 

Ni isang gamit wala natira ay mga litrato

Ang sabi ay sampung taon na daw abandunado

Ang bahay nag pagkaka alala ko’y pinaayos ko

Dahil binibigay ko sa kanya ang buong sahod ko

 

At may isang sulat na naka ipit sa pintuan

Na sobrang luma na at halatang pinaglipasan

At aking buklatin at ng makita ang laman

Humagulgol ng iyak ako ay sobrang nasaktan

 

Pasensya kana Rommel di na kita naantay

Natukso ako dahil sa aking sobrang lumbay

Labing anim na taon mula nang iwan mo kami

Si Cesar na ang karamay ko at laging nasaking tabi

 

Patawarin mo ako hindi ako naging sing tibay mo

Mga pagkukulang mo sa kanya lahat nakita ko

Di ko agad sinabi patawad kung inilihim ko

Sa takot na baka anong gawin mo sa sarili mo

 

Ayos lang ang mga anak natin wag kang mag alala

Si Cesar na ngayon ang tinuturing nila na ama

Alam ko na ika’y naging mabuting asawa

Di ko alam kung ba’t pangungulilay di ko kinaya

 

Di ba sabi ko sayo, di mo kailangang umalis

Basta magkasama tayo ako ay magtitiis

Alam kong tingin mo sakin manloloko’t walang kwenta

Paalam na sayo Rommel nagmamahal Glenda

 

Bakit sa dami ng tao na masasama, ako pa ang pinaulanan

Ng pagsubok na ibabaon ako sa kabiguan na tila isang talunan

Matapos ko na ibigay ang lahat dugo at pawis at aking panahon

Yung inaakala kong buhay na gumaan na, mas lalo pa yatang bumaon

 

Yung mga salaping aking pinadala kahit katiting ay hindi ko natikman

At ang masakit sa aking pag uwi, wala na pala akong babalikan

At may kumatok nagulat ako ng makita ko ang aking mga anak

Na puro pasa’t galos sa katawan at sa sobrang takot ay napapaiyak

 

Ang di ko alam sinasaktan pala sila ng kabet ng kanilang ina

Hindi lang sakit pag merong pagkakataon ay ginagahasa pa sila

P*ta*na umaapaw ang galit poot na aking nararamdaman

Sobrang mahal ko mga anak ko, saktan sila wala kang karapatan

 

Hayaan ninyo yung natitirang panahon na nandito ako sa mundo

Ilalaan ko para maalagaan kayo kahit di na tayo mabuo

Mahal ko kayo, wala man ang iyong ina kaya natin bumangon ulit

At isusumpa  ko sa harap ng Diyos na wala na sa inyong pwedeng manakit

 

Patawarin nyo ko mga anak

Nandito na ulit si Tatay 

Hindi na kayo masasaktan

 

 

 


More on Joshua Mari