Still One – Kaya Natin To LDR


Kahit wala ka sa aking tabi
Lagi kang nasa puso ko
Gusto ko lang sayo sabihin na miss na kita
Hana-hanap kita

Larawan mo na lang ang laging yakap-yakap ko
Miss na miss ko na yung araw na hawak ko kamay mo
Ito ko hinihintay ka
Mahal kaya natin to

Chorus:

Maghihintay ako kahit gano katagal
Patutunayan ko na tunay ang pag-ibig ko sa iyo mahal ko
Di ako bibitaw sayo
Mahirap man ay kakayanin kong mag-isa
Panghahawakan ang pangakong babalik ka sa akin
Hihintayin ko yon
Mag-iingat ka lang mahal ko

Gising sa gabi, tulog sa umaga
Isang tawag mo lang ang antok ko ay wala na
Kahit na ang tagal mo di ako naiinip
Pasensya na kung minsan ako’y nakakaidlip

Panay tingin sa CP, masyadong malisto
Tingin muna sa pics mo pag ika’y namimiss ko
Pag-ibig na ito hindi na to biro
Kahit malayo ka para ka pa ring nandito

Kasi iisa lang ang langit nating dalawa
Ikaw ang iniisip sa tuwing nakatingala
Sana nasa maayos kang kalagayan
Lagi ka niyang patnubayan
Ng saktan ang iyong puso di ko magagawa yan

Hindi mo man makita ang lahat ng aking galaw
Sa tuwing merong tukso ang iniisip ko’y ikaw
Kahit ako’y kulitin, kahit ako’y landiin
Kahit na nakatalikod ka mahal di ko yun gagawin

Chorus:

Maghihintay ako kahit gano katagal
Patutunayan ko na tunay ang pag-ibig ko sa iyo mahal ko
Di ako bibitaw sayo
Mahirap man ay kakayanin kong mag-isa
Panghahawakan ang pangakong babalik ka sa akin
Hihintayin ko yon
Mag-iingat ka lang mahal ko

(REPEAT CHORUS)


More on Still One