Still One, Joshua Mari, Zync & Yamo – Tanggap Ko Na


Wala na yung mga yakap mo

Wala na yung laging katabi ko

Pag gising sa umaga

Di na kita ngayon kasama

 

Dati rati ay…

Kausap ka hanggang gabi

Kahit sa’n tayo magpunta

Ang oras ay parang hindi lumalakad

 

Oh salamat…

Tinuruan mo kong magmahal ng totoo

Dahil sayo nalaman ko

Na di kailangan ng buo

 

Ibibigay ang puso ko

Dahil masasaktan lamang ako..

 

Tanggap ko na…

Wala kana (wala kana)

Hahayaan ko ng sa iba mapunta

Ang katulad mo na minsan kong minahal

 

Nagbago na…dahil sobra na

Di na mauulit yung dating sa atin

Buhat ng ako ay iyo ng lisanin

Tanggap ko na…

 

Tanggap ko na na tayong dalawa’y

Hindi na magkakabalikan

Sa sobrang sakit daig ko pa binagsakan

Ng lupa at ng kalangitan

 

Di mo na ba ko kaya na patawarin

Yung iwan mo di ko sukat akalain

Yung babaeng ginawa ko lahat ngayon ay

Akin ng papalayain

 

Bakit ganito mga nangyare?

Bakit gumulo tayo ng grabe

Ang sasakit ng mga sinabe mo sakin

At bumitaw kana sa pagkatali

 

Akala ko noon madali kang ibaon

Parang mga larawan na nilagay ko sa kahon

Subalit habang lumilipas ang panahon

Sinasaktan ako ng mga naiwanang mga tanong

 

Sa totoo lang ilang taon na

Pero sa isip ko hindi ka pa rin nawawala

Pumapatak pa rin ang luha sa mga mata

Sa tuwing naaalala kita

 

Pa’no ko tatangpaging wala na saking buhay

Ang babaeng pinakamahalaga at aking iniingatan

Kung sa bawat minuto na wala siya saking tabi

Ang isipin siya ay hindi ko maiwasan

 

Pa’no pa kita ipaglalaban

Kung nalimot mo na ang ating pagmamahalan

Pa’no ko pa mapapatunayan

Kung mag isa na lang ako saking nilalakaran

 

Masakit sa akin ang mga sakripisyo ko

Gan’tong paraan mo binayaran

Sayang naman ang pagmamahalan nating dalawa

Na pinaglaruan ng kapalaran

 

Tanggap ko na…

Wala kana (wala kana)

Hahayaan ko ng sa iba mapunta

Ang katulad mo na minsan kong minahal

 

Nagbago na…dahil sobra na

Di na mauulit yung dating sa atin

Buhat ng ako ay iyo ng lisanin

Tanggap ko na…

 

Alam ko na dama mo

Kung minsan ay parang hindi na natin kilala

Ang sarili, kung gano katibay nung nag-umpisa

Ay ganon kadali na lang lahat mabali

 

Hirap makatulog

iniisip pa rin kung saan nagmula

Nung manlamig ka

Sa di inaasahan ay tila wala man lang ding nagawa

 

Sa halip sumabay sa mga pasakit

Gumanti pahirap ang ipinasapit

Maulit man sana’y hindi maaari

Ang lamat nandon na ano mangyari

 

Hanggang dito na lang

bago tuluyang  pa kong mabuang

Sa puro sumbatan, sigawan,  sa kada gabing

Pinipilit na magkatuwang

 

Pa tayong muli, patay na uli

Ang dating sayang hindi maikubli

Na mayroong sapat na ikaw lang ang meron ako

Kahit di sumapat ako para sayo

 

Ako na ang mali sa lahat dehado

Bawat pagtatalo ikaw ang panalo

Tumigil na muna kahit sandali

Wala din naman talagang magbabago

 

Mabuting pinakawalan

Parehas na tayong nahihigpitan

Tama sigurong ipahinga muna ang mga pusong

Tila ba sugatan

 

Sa pinaglalabang hindi na rin dapat

Kung tayo na mismo ang di nararapat

Sa pagmamahal na tayo bumuhos

Sagad napuno na tumapon naubos

 

Tanggap ko na…

Wala kana (wala kana)

Hahayaan ko ng sa iba mapunta

Ang katulad mo na minsan kong minahal

 

Nagbago na…dahil sobra na

Di na mauulit yung dating sa atin

Buhat ng ako ay iyo ng lisanin

 

Tanggap ko na…(tanggap ko na)

Wala kana (wala kana)

Hahayaan ko ng sa iba mapunta

Ang katulad mo na minsan kong minahal

 

Nagbago na…dahil sobra na

Di na mauulit yung dating sa atin

Buhat ng ako ay iyo ng lisanin

Tanggap ko na…


More on Joshua Mari