Still One, Joshua Mari & Chrome One – Wala Palang Tayo


Oo nga pala wala nga palang tayo

Wala akong karapatan na magselos

Kung may ibang laman ang puso mo

Di bale na lang  kung ako ma’y masaktan

Masyado lang lumalim ang pinagsamahan nating dalawa

Pasensya na kung nakalimutan kong wala palang tayo

 

Patawad kung ako ay nagkamali na sa iyo ay mapaibig

Alam ko na hanggang kaibigan lang din ang sa’kin ay ituturing

Minsan nalilimutan ko hindi naman talaga tayo

Pero bakit parang ikaw ang laman ng puso ko

Bakit ang lambing mo nadadala ako

Di alam kung pinaglalaruan ang damdamin ko

 

Hindi mo ‘yon alam kasi di mo ko ramdam

Ginagawa mo lang taga payo pagnasasaktan

Gustong yakapin ka kasi ayaw kong lumuluha ka

Ito ang puso ko na nais kang maging sinta

 

Ayaw kong umamin dahil ayaw kong mabalewala

Ako’y naipit sa sitwasyon na walang kawala

Ako’y kaibigan lang, kaibigan lang

Wala nga palang tayo

 

Oo nga pala wala nga palang tayo

Wala akong karapatan na magselos

Kung may ibang laman ang puso mo

Di bale na lang  kung ako ma’y masaktan

Masyado lang lumalim ang pinagsamahan nating dalawa

Pasensya na kung nakalimutan kong wala palang tayo

 

Bakit kapag magkasama tayong dalawa

Napakagaan talaga ng nadarama

‘Yong tipo pang hindi mo ako ikinakahiya

Kahit ang sama ng tingin nila sating dalawa

Pero okay lang sa akin kahit ganito palagi

Ang sitwasyon natin basta kasama ka lang palagi

Wag mo lang kalimutan na mahal kita ng labis

Kahit na sa isipan ko lang ‘to lagi sinasabi

 

Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal

Wag ka na magbago ha ganyan ka na lang

Ayaw ko kasi na dumating sa punto na biglaan kang magbago

Tapos lalayo ng walang dahilan

Kahit alam ko na wala naman talagang pag asa na lumalim

Ang pagtitinginan nating dalawa

Ay handa ako sayo na magpakatanga

Kahit ang sakit sakit na

 

Sa tuwing meron sayong nanliligaw lagi ko sinasama

Kabog ng dibdib ko parang hindi ko kinakaya

Pagnakikita ko kayo parehong masaya

Gustong gusto kita hilain kaso di ko magawa

Ano ang karapatan ko para gawin ko ‘yon di ba?

Mas pipiliin ko na lang na manahimik kaysa sa

Magalit magtampo kapag pinapanood ka

Pilit kong pipigilan luha ko basta masaya ka

 

Akala ko naman kasi ako’y kaibigan mo

Ayon pala ako’y mali turing lang kaibigan mo

Wala akong kaparatang magselos sa kasama mo

Karapalan ko masaktan kasi nga kasalanan ko

Bakit ko pa pagpipilitan ang sarili ko sayo

Kahit nga konting pagtingin wala ako madama sayo

Bakit ko pa pagpipilitan ang sarili ko sayo

Tanggap ko na katotohan na wala talagang tayo

 

Oo nga pala wala nga palang tayo

Wala akong karapatan na magselos

Kung may ibang laman ang puso mo

Di bale na lang  kung ako ma’y masaktan

Masyado lang lumalim ang pinagsamahan nating dalawa

Pasensya na kung nakalimutan kong wala palang tayo

 

Masyado na yatang naging malalim ang pinagsamahan natin

Kung kaya ganon na lamang kung iisipin ko

Na tayo ay itinadhanang dalawa

Nagtatampo nagseselos pag may kasama kang iba

Masyado na kampante kapag inaakbayan kita

Minsan napapansin ko ng ikaw ay naiirita

Kapag hinahatid kita hinahawakan kamay mo

Hindi ako naiilang hindi ako nahihiya

 

Bawat manliligaw mo di ko palalapitin

Lahat ay sisiraan ko at lalaitlaitin

Walang ibang lalaking pwede kang bati batiin

Mga liham na binibigay sayo ay pupunitin

Hindi makakapayag na ikaw ay landiin

Kung sino man ang gumawa no’n aking kakantiin

Kasi gusto ko ako lamang ang lagi mong mapansin

At bukod tanging lalaki sa iyong mga paningin

Kaya ang lahat ay gagawin ko

Para lamang ikaw ay pasayahin ko

Pero minsan ay nahihiya na rin ako

Pagnababasa ko sa fb mga pasaring mo

Na kesyo baka ako ay tila nakakalimot

Na tayong dalawa ay hindi naman magkasintahan

Mga pahayag mo na nung aking binabasa

Ay hindi ko maiwasang matamaan aah

 

Pasensya ka na masyado yata ako sayo naging malapit

Ang di ko alam ay sakin nagagalit ka na

Dahil ang alam mo ang turingan natin ay magkapatid

Ang pag asa na maging tayong dalawa ay hindi na matutupad

Lahat tuluyan ng naging malabo

Bigla akong nagising sa katotohan

Na oo nga pala wala palang tayo

 

Oo nga pala wala nga palang tayo

Wala akong karapatan na magselos

Kung may ibang laman ang puso mo

Di bale na lang  kung ako ma’y masaktan

Masyado lang lumalim ang pinagsamahan nating dalawa

Pasensya na kung nakalimutan kong wala palang tayo

 

Wala palang tayo

 

 

 

 

 


More on Joshua Mari