Still One & Joshua Mari – Paasa Ka Pala


Sabi mo ay hintayin hanggang handa kana

At ako’y iyong kakausapin kapag ika’y iibig na

Muli bakit ngayon ay may iba kana

Ang masasabi ko na lamang ay paasa ka pala

 

Sabi mo sakin kailangan lamang ng oras para pag isipan

Di ko alam kung kailan ba darating

Yung sinasabi mong baka sa susunod o bukas ay limot mo na siya kaya hinintay kita

Sa tamang panahon sabi mo ay magiging tayong dalawa

 

Pero nalaman kong may iba na meron na pala saking nauna

Sana nung una sinabi mo na nang hindi na ako sayo umasa pa

Bakit mo ‘ko ginanito matapos kong magpakatotoo

Yung inaakala kong tuwid na pagtitinginan natin ay naging magulo

 

May pasandal sandal kapa sa balikat ko

Mabuti na lamang habang maaga pa ay nakita ko

Pero bakit ganon pa man wala akong karapatan

Natural lang masaktan dahil di ko naman hawak ang iyong nararamdaman

 

Sabi mo ay hintayin hanggang handa kana

At ako’y iyong kakausapin kapag ika’y iibig na

Muli bakit mo ngayon ay may iba kana

Ang masasabi ko na lamang ay paasa ka pala

 

Naaalala ko pa nung sinabi mong gusto mo ako

Buong akala ko seryoso ka , kitang kita kasi sa mga mata mo

Sabi mo pa hintayin mo malimot ko aking nakaraan

Pero ngayon ilang araw ka ng walang chat sakin,magparamdam ka naman

 

At sa di inaasahang tagpo tayo’y nagkasalubong sa daan

Magkahalong sakit at kaba at pag iyak ang aking naramdaman

Lakas loob kang lumapit sa akin at ipinakilala mo sya

Nakayukong inabot ko ang kanyang kamay sabay sabing ” siya na pala”

 

Siya na pala, sinabi mo sakin para di na ako nag abang

Buti pa sya gwapo at maraming pera, sakin ay nakakalamang

Samantalang ako,kaya ka lang isakay dito saking munting biseklita

Pamorma na mumurahin galing divisoria na walang itiketa

 

Siguro nga hindi ako sayo bagay sa tulad niya pwedeng ihanay

Isang pobreng napaibig sayo na napamahal lamang ang kanya

Salamat sa pagpapaasa salamat sa pagkabigo

Kahit di natupad salamat sa iyong sinabi na mamahalin mo ako

 

Sabi mo ay hintayin hanggang handa kana

At ako’y iyong kakausapin kapag ika’y iibig na

Muli bakit mo ngayon ay may iba kana

Ang masasabi ko na lamang ay paasa ka pala

 

Sabi mo ay hintayin hanggang handa kana

At ako’y iyong kakausapin kapag ika’y iibig na

Muli bakit mo ngayon ay may iba kana

Ang masasabi ko na lamang ay paasa ka pala


More on Joshua Mari