Still One – Hindi Man Nagtagal


Kahit hindi man nagtagal ang ating nabuong pagmamahalan

Dahil sayo natuto ako kung pa’no magpahalaga

Kahit ako ay nasaktan mo

Hindi nagsisising ikaw ay aking minahal

At kung ako’y iyong tatanungin mahal ka pa rin

 

Di maitago ng mga mata ang kalungkutan na nadarama

Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako

Kapag naaalala ko yung araw na tayo’y magkayakap pa

Hindi mo ba ako namimiss sobra ng nagtitiis sa kalungkutan

 

Pa’no yung mga alaalang kay tamis

Buti ka pa nagagawa mo kong matiis

Di makakain at ‘di makatulog

Iba ang tama ng kalungkutan mong dulot

 

Halos patayin ko ang sarili ko

Baka sakaling pag nangyare yun maisip mong

Ako’y tunay na nagmamahal sayo

Mahal ko

 

Kahit hindi man nagtagal ang ating nabuong pagmamahalan

Dahil sayo natuto ako kung pa’no magpahalaga

Kahit ako ay nasaktan mo hindi nagsisising ikaw ay aking minahal

At kung ako’y iyong tatanungin mahal ka pa rin

 

Nakakalungkot, nakakalumbay isipin na sa mga pagsubok ay di tayo nagtagumpay

Tinangay ako ng alon matapos kang bumitaw sa pagkakapit

Hindi mo kinaawaan kahit lumubog ako sa pinakamalalim

Na lugar kung saan ay napariwara sarili di na binigyan ng halaga

 

Para saan pa kung wala na yung tao na sakin ay laging nag aalala

Punuin ko man ng sugat ang kamay ko, sumigaw man sa harap niya ng aray ko

Wala siyang pakialam sa lagay ko kahit sa sakit ikamatay ko

 

Sino ba naman ako? isa lamang akong nakaraan na kailanman ay di mo na mababalikan

Pinapaasa ko lang ang sarili kong ako’y mahal mo pa isa yun sa aking mga kabaliwan

Alam kong pinahihirapan ko lang sarili ko kung pipilitin ko na ikaw ay pabalikin

Dahil alam ko sa mga oras na ‘to ay masaya ka sa kanya

At kayang kaya ka niyang pangitiin

 

Samantalang ako , eto hanggang ngayon hindi pa rin alam

Kung pa’no makakabangon saking pagkadapa

Isang taong biktima ng maling pagmamahal

Umasa sa mga pekeng pagpapahalaga

 

Ganun pa man hindi ko pinagsisihan na minahal ko ang isang kagaya mo

Kahit gano kasakit ang mga ginawa mo sakin darating ang panahon na makakaya ko

 

Kahit hindi man nagtagal ang ating nabuong pagmamahalan

Dahil sayo natuto ako kung pa’no magpahalaga

Kahit ako ay nasaktan mo

Hindi nagsisising ikaw ay aking minahal

At kung ako’y iyong tatanungin mahal ka pa rin

 

Kahit hindi man nagtagal ang ating nabuong pagmamahalan

Dahil sayo natuto ako kung pa’no magpahalaga

Kahit ako ay nasaktan mo

Hindi nagsisising ikaw ay aking minahal

At kung ako’y iyong tatanungin mahal ka pa rin


More on Still One