Still One – Hi Ex


Naaalala mo ba nung nililigawan kita

Nung sinigaw kong I love You! Mahal kita sa gitna

Ng maraming tao ikaw ay sobrang irita

Kunware ka pa nung inis pero kinikilig ka

 

Yung mga pagseselos mo pag ikaw ay tinotoyo

Ako naman uto uto ika’y sinusuyo

Kung di lang sana sa tukso ako’y napasubo

Di sana tayo parin at hindi ka sumuko

 

Naalala ko na lang bigla

Habang tumutulo ang mga luha ko sa mata

Di mapinta mukha ko dahil sa sobrang kaba

Pag ako’y nasa inuman at nagtataray kana

 

Namimiss ko yung babaeng ako’y pinagbabawalan

At araw araw akong pinaghihinalaan

Namimiss ko yung kurot , namimiss ko yung tapik

Pero hanggang do’n na lang yon kasi di kana babalik

 

Nakakamiss naman na balikan

Ang tamis ng ating nakaraan

Alaala di malilimutan

Basta ang alam ko lang mahal kita

 

Nakakamiss di ba?

Wala lang, naaalala ko lang

 

Yung mga gala nating magkasama mas nakakamiss

Magkayakap sa motor ang init ay tinitiis

Kakain sa turo turo kwek kwek ang paborito

Meron pa kong litrato ang ganda ganda mo dito

 

Ngayon hinahalungkat ko ang  yong mga regalo

At mga sulat mo noong nag aaral pa tayo

Ang lahat ng ito ‘y pinag ingatan ko talaga

Kasi sa buhay ko ngayon ito na lang ang natira

 

Binabasa ko ang sulat mo nung sinagot mo na ko

Mahal pa rin kasi kita kaya naluluha ko

Ikaw kasi yung babaeng unang una kong nagustuhan

Gusto ko ikaw na hanggang huli di na masusundan

 

Nakasaad sa sulat mo na meron pang lagda

Ang pangako mo sakin na sabay tayong tatanda

Kung hindi lang sana sa tukso ako ay napasubo

Tayo pa sana hanggang ngayon at hindi ka sumuko

 

Nakakamiss naman na balikan

Ang tamis ng ating nakaraan

Alaala di malilimutan

Basta ang alam ko lang mahal kita

 

Niluluto ko ngayon mga pagkaing paborito mo

Kasi ngayon ay araw ng ating anibersaryo

Habang inaayos ko ang ating litrato

Sa pag sapit ng gabi malamang wala akong kasalo

 

Gusto kitang suyuin kaso hindi ko alam

Halos isang taon ka ng di nagpaparamdam

Di ko alam kung san ka hahanapin o pupuntahan

Mga lugar na paborito natin ay binalikan

 

Sa parke na mayroon higanteng puno sa gitna

Naka ukit ang anibersaryo nating dalawa

Inaalala yung mga araw noong ating ginuhit

Nakakalungkot dahil hindi na yun mauulit

 

Kung di lang sana sa tukso ako ay napasubo

Sana tayo pa ngayon at hindi ka sumuko

Sa eksaktong lugar kung saan sinabi mo ang “oo”

Ay do’n mo rin binigkas ang salitang “tapos na tayo”

 

Nakakamiss naman na balikan

Ang tamis ng ating nakaraan

Alaala di malilimutan

Basta ang alam ko lang mahal kita

 

Nakakamiss naman na balikan

Ang tamis ng ating nakaraan

Alaala di malilimutan

Basta ang alam ko lang mahal kita


More on Still One