Still One – Bakit Kaibigan Ko Pa


Hindi alam kung paano

Sisimulan ng wala  ka sa tabi ko

Balisa at di makausap

Namimiss ko na ang ‘yong mga yakap

 

Alam kong mali ako

Hindi ko ‘yon itinatanggi sayo

Sorry mahal ko natukso lang ako

Di inasahang hahantong

Sinukuan mo ‘ko

 

Pero biglang nalaman ko

Kayo na pala ng kaibigan ko

Gumuho ang aking mundo

Dahil siya ang karamay ko

 

Nung mga araw na ayaw mo na

Akala ko ay kakampi ko sila

Pero mali pala

Dahil may relasyon kayong dalawa

 

Bakit kaibigan ko pa

Ang napili mong mahalin

Alam ko na siya na ang dahilan

Kaya ayaw mo na sakin

 

Alam kong nagkamali ako

Pero mas masakit yung ganti mo

Mahal salamat sa pinagsamahan

Kakayanin kong mabuhay mag isa ngayong wala kana

 

Yung kaibigan kong kinikilig

Sa tuwing ang labi ko’y

Dumadampi sayong bibig

Kapag ang salitang mahal kita’y kanyang nariring

 

Ay meron palang pag nanasang

Nakatago sa dibdib

Oo nagkamali ako

Hindi ko ‘yon tinatangge

 

Pero hindi ko matanggap

Ang masakit mo na gante

Yung mahalin mo ang kaibigan kong pinagkatiwalaan

At sinandalan ko nung araw na ako ay iniwan

 

Yung taoong nakakita ng patak ng mga luha ko

Yung tao na karamay nung araw na nagdurusa ko

Kaibigan na saksi sa mga hirap kong dinanas

Ang hindi ko alam palihim pala akong inaahas

 

Hindi ko alam kasi parang plano ang lahat

Bukod  sa inahas niyo ko gusto nyo pa ‘kong ibagsak

Pero magkaganun pa man minamahal pa rin kita

Yung pangarap natin gagawin ko yon ng mag isa

 

Bakit kaibigan ko pa

Ang napili mong mahalin

Alam ko na siya na ang dahilan

Kaya ayaw mo na sakin

 

Alam kong nagkamali ako

Pero mas masakit yung ganti mo

Mahal salamat sa pinagsamahan

Kakayanin kong mabuhay mag isa ngayong wala kana

*REPEAT

 

 


More on Still One