Still One – Back To Normal Na


Di na tayo maglalayo layo at tatagay na ulit sa isang baso

Di na bawal lumabas malaya na tayo

Kahit mag beso beso walang kaso

Eh kasi back to normal na tayo

 

Di na tayo maglalayo layo at tatagay na ulit sa isang baso

Di na bawal lumabas malaya na tayo

Kahit mag beso beso walang kaso

Eh kasi back to normal na tayo

 

Kapag merong inuman di na watak watak

May trabaho na ulit kaya meron ng pang ambag

Pwede ulit mag inum sa isang baso

Kahit pa magkayakap tayo wala ng kaso

 

‘Di na kailangan ng barrier pag aangkas

At pwedeng pwede na ulit tumambay sa labas

Siksikan na naman sa loob ng bus

Marami na ulit mag syotang  magkaholding hands

 

Marami na namang single na mapapa sana all

Sa sobrang dami ng isisilang na sanggol

Nagkalat na ulit ang tusok tusok sa daan

At syempre as usual traffic na naman

 

Ibubukas na ulit sa publiko ang luneta

Maraming manunuod ng PBA sa Cuneta

Pero bago kayo gumimik ha

Wag na wag kalimutan magsimba

 

Di na tayo maglalayo layo at tatagay na ulit sa isang baso

Di na bawal lumabas malaya na tayo

Kahit mag beso beso walang kaso

Eh kasi back to normal na tayo

 

Di na tayo maglalayo layo at tatagay na ulit sa isang baso

Di na bawal lumabas malaya na tayo

Kahit mag beso beso walang kaso

Eh kasi back to normal na tayo

 

Pabalik na ulit sa normal ang ating mundo

Di mo na kailangan pang pigilan ang ‘yong pag ubo

Kasi wala na yung virus na tatalsik

Pwede kana ulit magstatus ng feeling sick

 

Pwede na ulit magtravel kahit sa’n mo gustuhin

Wala ng quarantine pass na hihingiin

Yung mga chikiting nakasilip sa bintana

Pwede na ulit maglaro sa kalsada

 

At eto pa ang malupet mga tol

Hindi na one way ang lalakarin mo sa mall

Mapapanatag na mga nakakulong na kosa

Laganap na naman sa eksenita ang tsismosa

 

At syempre pinakamahalaga

Ang pagbabalik natin sa eskwela

Alam ko na ayan ang inaabangan mo

Kasi makikita mo na ulit ang crush mo

 

Di na tayo maglalayo layo at tatagay na ulit sa isang baso

Di na bawal lumabas malaya na tayo

Kahit mag beso beso walang kaso

Eh kasi back to normal na tayo

 

Di na tayo maglalayo layo at tatagay na ulit sa isang baso

Di na bawal lumabas malaya na tayo

Kahit mag beso beso walang kaso

Eh kasi back to normal na tayo

 

Bukas na naman ulit ang patay sinde

Si mister wala na namang sahod na mauuwe

Buhay na naman ang mga saklaan

Nanay mo magdamag na naman nasa sugalan

 

Pero ang pinakamalaga sa parating na pasko lahat tayo masaya

Mga aral na tinuro ng pandemyang dumaan ay dapat maging malinis tayong sating katawan

Salamat sa Panginoon sa aming kaligtasan

At sa nangyaring ‘to nakahinga ang kalikasan

 

Marami ang tamad na natutunan na dumiskarte

Alam naming may dahilan ang mga nangyayare

Marami ng sukdulan ang mga kasamaan

Kaya ang karma sa mundo tayo’y binalikan

 

Buti na lang ang Pilipinas ay swerte

Dahil ang Presidente ay si Duterte

 

Di na tayo maglalayo layo at tatagay na ulit sa isang baso

Di na bawal lumabas malaya na tayo

Kahit mag beso beso walang kaso

Eh kasi back to normal na tayo

 

Di na tayo maglalayo layo at tatagay na ulit sa isang baso

Di na bawal lumabas malaya na tayo

Kahit mag beso beso walang kaso

Eh kasi back to normal na tayo

 

Eh kasi back to normal na tayo

Eh kasi back to normal na tayo


More on Still One