Still One – Ala-Ala Natin (feat. Joshua Mari)


Sa mga oras na to alam kong binabalot ka ng kalungkutan

Dahil paulit-ulit na naaalala mo ang ating harutan

Pinagsaluhang kaligayahan mga kulitan mga kwentuhan

Patawad kung yakap mo lang ngayon ay ang aking paboritong unan

 

Kung tutuusin ako ang dapat magpasalamat ngayon

Dahil ika’y nanatili sa aking tabi sa loob ng apat na taon

Puro pagmamahal laging nakasuporta sayo sa lahat ng gusto mong gawin

Pinangako kong di kita iiwan at alam ko naman na ganon ka rin

 

Di ko man natupad ang lahat ng mga plano na dapat ating gagawin

Kahit wala na ko sa tabi mo sana lahat ng yon ituloy mo parin

Miss ko na yung luto mong masarap na lagi kong kinatatakaman

Yung pag eedit mo kahit wala na ako sana mas lalo mong galingan

 

Alam ko na takot kang mag isa dahil sanay ka nandyan ako

Kahit hindi mo ko maramdaman nandito ako nakayakap sayo

Lagi pa rin kitang gagabayan kahit saang lugar ka mapunta

Papatunayan ko yung huling salitang sinabi yung “Mahal kita”

 

Mahal hindi mawawala

Babantayan kita

Ako’y saglit lang na magpapahinga

Ipikit mo lang ang mga mata mo

At maaalala mo ang lambing ko

Tumingin ka sa langit nandon ako

 

Alam mo ba ikaw yung nagturo sakin na magmahal ng ganito

Sobrang namimiss ko na yung mga lambing mo mahal ko kung naririnig mo

Pakiusap wag kang maguluhan loob mo’y mas lalo mong tatagan

Sana sa awit na to maramdaman mong sinasabi kong “kaya mo yan”

 

Alam kong makakabangon ka rin sa paglipas ng maraming taon

Pero yung mga ala-alang iniwan ay lagi pa ring nandoon

Sa ngayon ay nahihirapan ako pag nakikita ka na mahina

Wag kang mag alala tama ang yong sinabi tayo ay  muling magkikita

 

Sa kabilang buhay, hindi magbabago ang nadamang pagmamahal

Hihintayin kita sa langit dahil gusto ko dito tayo magpakasal

Sa harap ni ama tutuparin natin lahat ng mga pinlano natin sa lupa

Pero ngayon manatili ka muna diyaan at ako muna ang mauuna

 

Mahal din kita oo pangako nandito lamang ako sa tabi mo

Kasama ko na ang panginoon wag mo ng hintayin ang pagbalik ko

Lagi pa rin kitang gagabayan kahit saang lugar ka mapunta

Papatunayan ko yung huling salitang sinabi ko yung “mahal kita”

 

Mahal hindi mawawala

Babantayan kita

Ako’y saglit lang na magpapahinga

Ipikit mo lang ang mga mata mo

At maaalala mo ang lambing ko

Tumingin ka sa langit nandon ako

 

Mahal hindi mawawala

Babantayan kita

Ako’y saglit lang na magpapahinga

Ipikit mo lang ang mga mata mo

At maaalala mo ang lambing ko

Tumingin ka sa langit nandon ako

 

 


More on Joshua Mari