Soulstice – Utang (Bayad Bayad Din!)


Napakadali na magpautang pero napakahirap na maningil kapag ka bayaran na!
Magpo-post sa facebook ng mga bagong bili na gamit pero ang totoo naman non baon sya!
Bayad bayad din kasi pag may time
Wag yung puro kain di ka naman bigtime
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad bayad din pag may time

Oh anung petsa na
Kailan ka kaya magbabayad
Bat binubukas bukas mo lang ako
Ano ba talaga
Ang sabi mo noong akinse
Gusto mo yata yung utang mo libre
Di naman pwede yun
Ang tagal tagal ko na ring nag-aantay
Na mahawakan yung pinautang ko ng aking mga kamay
Sabi mo kasi na hindi tatagal yung salapi
Maibabalik mo din sa tamang panahon kaya di ako humindi
Kain ng kain bili ng bili ng mga bagong gamit
Tas pag singilan sila pa yung may mga ganang magalit
Di na makita yung pagmumukha ang bilis magsilapit
Tapos ako pa yung di maaari basta makalapit

Napakadali na magpautang pero napakahirap na maningil kapag ka bayaran na!
Magpo-post sa facebook ng mga bagong bili na gamit pero ang totoo naman non baon sya!
Bayad bayad din kasi pag may time
Wag yung puro kain di ka naman bigtime
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad bayad din pag may time

Ang galing mo nga magtago pag naniningil na
Di na rin makontak yung dati mong numero
Wala na rin akong natatanggap miski balita
Di ko na alam ano bang nangyari sayo
(Kaya, kaya)
Wag na ako ang yong utangan
Lalo na hindi mo ko kayang bayaran
Sa mismong araw na sinabi mo na babayaran mo ako
(Goddamit)

Sana all may pambili ng bagong mga gamit
Sana all sobrang taba ng pera sa may wallet
Sana all nababayaran na ang utang
Kaso mukha ngang ngang kinalimutan

Napakadali na magpautang pero napakahirap na maningil kapag ka bayaran na!
Magpo-post sa facebook ng mga bagong bili na gamit pero ang totoo naman non baon sya!
Bayad bayad din kasi pag may time
Wag yung puro kain di ka naman bigtime
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad bayad din pag may time

Kamusta na nga pala ang mga nangako
Sa mata ko biglang naglaho
Ni wala manlang pasintabi sila
Kung sabagay ganyan ang ugali pag napakabaho
Sabi mo di mo sisirain ang pagkakaibigan natin
Pero nung siningil ka para bang ako pa yung may kasalanan satin
Masyado ka naman atat di naman kita tatakbuhan
Basta pag meron na alam mo yan
At pangako lagi mo yang tatandaan
Ikaw pa mismo ang pupuntahan
At kahit kailan di ko kakalimutan yan
Para ka naman iba nyan babayaran ka rin gagawan ko yan ng paraan
Yan ang palagi na lang dahilan ng mga ibang tao
Na hindi sanay kapag di nanloloko
Palibhasa di magawang magtrabaho
Kung di mo kayang tumupad sa usapan
Ay wag ka na lamang mang-aargabyado
Sapagkat mas mahalaga ang tiwala
Mas maganda kapag ika’y makatao

Napakadali na magpautang pero napakahirap na maningil kapag ka bayaran na!
Magpo-post sa facebook ng mga bagong bili na gamit pero ang totoo naman non baon sya!
Bayad bayad din kasi pag may time
Wag yung puro kain di ka naman bigtime
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad bayad din pag may time

Napakadali na magpautang pero napakahirap na maningil kapag ka bayaran na!
Magpo-post sa facebook ng mga bagong bili na gamit pero ang totoo naman non baon sya!
Bayad bayad din kasi pag may time
Wag yung puro kain di ka naman bigtime
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad bayad din pag may time


More on Soulstice