Skusta Clee, Jnske, Leslie, Honcho, Bullet D, Flow G – Nandito Lang Ako


Napakadami na nating pinagdaanan

Halos hindi na mabilang

Pero nandito pa rin tayo lumalaban

Patuloy pa rin tayo na lumalaban

 

Sa dilemma kahit na magkabilaan

Hindi mo ‘ko iniwan

Nandyan ka pag kailangan ko

Sa tuwing nalulungkot

 

Kaya asahan mo na nandirito umaraw man o bumagyo

Ibibigay lahat sayo hangga’t sa makakaya ko

 

Basta’t wag ka lang mawala

(kasama ka, kasama ka)

Hanggang sa ating pagtanda

 

Nandito lang ako

Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata

Nandito lang ako

Hindi na pababayaang muling mag isa

Nandito lang ako

Kasama mo palagi kahit anuman man ang mangyari

Hinding hindi na mawawala ako’y nandito sayong tabi

 

Kahit wala na akong liwanag na makita

Alam kong di mo ako hahayaang mag isa

Kasi kakaiba ang iyong pinakita hirap at ginhawa

Sa puso’t isipan mo di ako mawawala

 

Kaya asahan mo rin na di ako bibitaw at iwan ka

Kahit na magbago ka sa puso ko nag iisa

Basta’t wag ka lang mawawala

Hanggang sa ating pagtanda

 

Wag kang mag alala kapag na sakin ka

Di ko ipapadama na alanganin

Desisyon sa akin na

Ako ang iyong pinili na yakapin

 

Tinangay ng hangin papunta sa kung saan dadatnan

Sinadya talaga tayo’y magtitigan

Kahit di kilala ika’y pinuntahan

Hanggang sa ito na tayo’y nagkaigihan

 

Huwag ka mag alala asahan mo rin na

Tayo talaga hanggang sa huli na

Magkasamang tumandang hanggang sa di na ako

Makatayo ikaw pa rin sa diwa ko

 

Nandito lang ako

Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata

Nandito lang ako

Hindi na pababayaang muling mag isa

Nandito lang ako

Kasama mo palagi kahit anuman ang mangyari

Hinding hindi na mawawala ako’y nandito sayong tabi

 

Hindi ko kayang mawala ka gusto kitang kasama

Ikaw ang nagbigay sakin ng gana

Salamat hindi ka nagsawa na intindihin ako

Mahal kita wag ka sakin manghihinala

 

Pasensya na kung minsan ako ay natatagalan

At least ginagawan ko ng paraan

Kasi wala akong masabi saking nararamdaman

Kapag kausap ka dibdib ko laging magaan

 

Naaalala mo pa ba yung mga sinabi mo sakin

Nung nag away tayo halos ayaw mo kong kausapin

Wala kong magawa nun umuwi na lang sa amin

Naghihintay baka sakaling pansinin at patawarin

 

Lahat ng yan alam ko na

Abot kita kaya lahat tinatanggap ko na

Hindi mo ba napupuna kahit galit ang nauuna

Isang ngiti mo lahat lahat agad nabubura

 

Salamat dumating ka sa taon na ‘to

Salamat dumating sa pagkakataon na ‘to

Salamat sa tiwala mo na sakin binigay

Salamat dahil ako’y tinanggap mo ng buo

 

Hanggang sa huli na ‘to wala nang bawian

Nandito lang ako kasi nandyan ka lang

Hindi ka nawala sa aking likuran

Di na kita pakakawalan

 

Nandito lang ako

Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata

Nandito lang ako

Hindi na pababayaang muling mag isa

Nandito lang ako

Kasama mo palagi kahit anuman ang mangyari

Hinding hindi na mawawala ako’y nandito sayong tabi

 

Nandito lang ako

Nandito lang ako

Nandito lang ako

Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari

Hinding hindi na mawawala ako’y nandito sayong tabi


More on Bullet D